CHAPTER 22

10.3K 306 0
                                    

Nahihiya siya dahil ang kwarto mismo ng Sir Clyde niya siya matutulog pinilit naman niya na sa salas na lang siya matutulog pero hindi ito pumayag sa suhestyon niya.

She sighed. Baka mangawit siya sa higaan niya kung siya lang sanay naman siya.

Nagtatalo ang isip niya kung sisilipin ba niya ito o hindi. Sigurado siya na tulog na ito.

Sa huli nagpasya siyang silipin si Sir Clyde. Maingat at walang ingay na tinungo niya ang salas. Malamlam ang ilaw sa salas. Tahimik at tanging ingay ng kabog ng dibdib niya ang maririnig. Mariin siya nakakapit sa suot niya polo na umabot sa ibabaw ng tuhod niya. Itinupi niya hanggang siko niya ang sleeves. Iyun ang ipinahiram sa kanya pamalit ng Sir Clyde niya.She's look so small on it pero sa palagay niya bagay naman sa kanya gaya ng nakikita niya sa mga modelo na nagsusuot ng ganito.

Agad na nagtaka siya ng wala siya nakita sa salas.

Wala si Sir Clyde.

Hinanap niya ito bahala na magdadahilan na lang siya kung bakit gising pa siya. Ngunit hindi niya nakita ito sa kahit saan sulok ng bahay.

Baka lumabas siya?

Hindi na niya pinangahasan lumabas pa ng bahay. Hindi naman siya nobya o asawa nito para umakto siya hindi mapakali na wala pa ito sa bahay.

She sighed. What's the matter with her? Ganito ba ang in love?

Nakagat niya ang kanya lowerlip sa isipin iyun.

Pabalik na siya sa kwarto ng makarinig siya ng kakaibang ingay.

Tila alulong o singasing iyun ng isang mabangis na hayop.

Agad na pinagtaasan siya ng mga balahibo sa katawan. Gumalabog ang dibdib niya ng muli marinig niya ang ungol na iyun.

Bigla siya nakaramdam ng takot.

"Clyde..." anas niya.

Maya-maya pa ay nawala iyun. Naging tahimik muli ang paligid.

Saka siya nakahinga ng maluwag ng maramdaman niya ang pagrelax ng kanya kalamnam.

"Ereka..."

Marahas siya napalingon sa pinanggalingan ng boses iyun.

"S-Sir Clyde.." bulalas niya ng makita ito na lumabas kung saan.

Pawisan ito at madilim ang mga mata. Bigla siya kinabahan sa kakaiba nitong aura.

Tila napansin iyun ng kaharap at ngumiti ito.

"Bakit gising ka pa?" mababang tonong saad nito.

Marahan niya pinakawalan ang pigil-pigil niya hininga.

"Uhm,I-iinom po sana ako.."huli na para marealize niya mali ang dinahilan niya. Papasok siya ng kwarto tapos iyun ang dahilan niya?

Ano ka ba naman,Ereka! sikmat ng kanya isip.

"Ganun ba,gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas para makatulog ka?"

Agad na umiling siya. "Hindi na po,Salamat..makakatulog din naman po ako.."

"May gusto sana akong hingin na pabor," anito.

"Ano po yun,Sir Clyde?"

"Kung pwede,kapag tayo lang dalawa wag mo na ko isi-Sir at ipo-po,okay ba yun?" nakangiti nito saad.

Hindi siya agad nakaimik.

He chuckled. "Guro mo ako sa loob ng iskul pero malapit na kaibigan mo sa labas...and more than that," makahulugan nito saad sa huli nito sinabi.

More than that..

Ayaw niya mag-assume. No.. Hindi siya asyumera!

"Uhm,Sige p-..uh,sige.."

He chuckled." Good..gusto ko yan,"natutuwa nitong saad.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon