CHAPTER 14

10.7K 309 0
                                    

Nagtataka si Ereka ng magising. Nasa clinic room siya naroroon ,alam niya ang lugar na kinaroroonan niya dahiL sa mga gamit na naroroon.

Nakalabas na siya sa madilim na lugar na iyun. Sino kaya nakakita sa kanya?

"Oh,gising ka na pala,kamusta pakiramdam mo?" mabait na tanong ni Nurse Mae.

Nahihiyang bumangon siya sa hinihigaan nakita niya kasi marumi ang uniporme niya. Puting-puti pa naman ang sapin ng kama.

"Okay na po ako.."

"Mabuti naman kung ganun..muntik ka ng mapahamak ,mabuti na lamang agad ka nadala dito ni Sir Clyde.."

Agad na gumalabog ang dibdib niya ng marinig iyun.

Kung ganun ang Sir Clyde niya ang nagligtas sa kanya. Bigla gusto niya maiyak pero pinigilan niya ang sarili.

"N-nasaan po si Sir Clyde?"

"Ayun,malamang kinakausap na yung nagkulong sayo sa stock room may CCTV pala dun.." iiling-iling na saad ng nurse.

Inabangan niya ang Sir Clyde niya sa labas ng Faculty. Hindi na siya pumasok kanina pagkagising niya dahiL naging usap-usapan ang nangyari sa kanya.

"Ereka.." si Sir Clyde.

Agad na nag-angat siya ng tingin rito. Alam niya marungis ang itsura niya pero kailangan niya magpasalamat rito.

"Sir..uhm,Salamat po kanina.." kimi niya saad.

Tila huminto ang pagtibok ng puso niya ng dumantay ang kamay nito sa buhok niya at masuyo humaplos roon.

Napatitig siya sa mga mata nito.

"Nag-alala ako sayo kanina kaya hinanap kita..wala ka sa klase mo kaya agad kita hinanap .." anito habang humahaplos sa buhok niya.

Tulad iyun ng haplos na ginagawa niya sa Clyde na aso.

"Salamat po.." aniya.

He sighed. Makikita sa gwapo nito mukha ang pag-aalala para sa kanya.

Bakit? Bakit ganun na lamang ito mag-aalala sa kanya?

Maya-maya pa ay tumigil na ito sa paghaplos sa buhok niya.

"Wala ka ng klase hindi ba?" tanong nito bigla.

Walang imik na tumango siya rito.

Gusto niya sana tanungin kung anong nangyari kina Marta.

"Bago ka umalis may ibibigay ako sayo,sumunod ka sakin," anito.

Agad na tumalima siya at sumunod rito.

Hindi na nga niya tatanungin malalaman din naman niya pagpasok niya bukas.

Isang paperbag ang inabot nito sa kanya. Nagtataka na kinuha niya iyun rito.

"Alam kong na sakto sayo yan,I'm sure with that.." nakangiti nito saad.

Naguguluhan na sinilip niya ang laman ng paper bag at maang na napatingin siya sa guro.

Isang pares na bagong uniporme iyun.

"S-Sir Clyde.." aniya.

Matamis ito ngumiti sa kanya. "Gusto ko suutin mo yan bukas and don't bother na bayaran yan,advance graduation gift ko sayo," anito.

Nagtatangka mag-init ang sulok ng mga mata niya.

"Hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan,Sir Clyde..napakabuti niyo sakin," deretso niya sabi rito.

"Marapat lang na ibigay sayo ang mga bagay na pinagkakait sayo,Ereka.." taimtim nito saad.

Hindi niya alam pero tagos sa puso niya ang sinabi nito.

Naaawa ba ito sa kanya?

"Hindi kita kinakaawaan,Ereka.."

Nagulat siya sa sinabi nito. Paanong nalaman nito ang nasa isip niya?

Nag-iwas siya ng tingin rito.

"Ikaw ang pinakamatapang na nilalang na nakilala ko,Ereka.." sinsero nito saad.

Hinaplos ng mainit na damdamin ang kanya puso sa sinabi iyun ni Sir Clyde.

Nginitian niya ang guro. Alam niya na hindi dapat siya nangingimi rito.

"Salamat,Sir Clyde.." nakangiti niya saad rito.

He just only stare her tila ba pinag-aaralan nito ang bawat bahagi ng kanya mukha pero hindi niya tinangka iwasan ang pagtitig nito sa kanya.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon