CHAPTER 30

10.4K 320 2
                                    

Pagkatapos ng graduation nila,napagkasunduan nila ng binata na dadalhin siya nito sa bahay nito para ipagdiwang ang araw ng kanya pagtatapos. Nauna ito umalis kanina dahiL may farewell party pa sila sa loob ng classroom nila kasama ang nagbalik na adviser nila.

Nang matapos agad na nagtungo siya sa bahay ni Clyde. It's a private village. Kilala na siya ng guard kaya binati lang siya nito at pinapasok ang sinasakyan niya taxi. Ginabi na din kasi sila natapos sa pagpapaalam sa kani-kanila mga guro.

Puno ng pananabik na bumaba na siya ng taxi at nag doorbell.

Agad naman iyun bumukas at ang gwapo si Clyde ang agad na bumungad sa kanya.

He's smiled at her at agad na tumugon din siya ng ngiti rito.

Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya papasok ng kabahayan. Hanggang ngayon nagugulat pa rin siya sa tuwing magdidikit sila ng binata.

Hinalikan siya nito sa gilid ng ulo niya. "Congrats again.." bulong nito at niyakap siya nito.

Wala alinlangan na tinugon niya ang yakap nito.

"Let's go,baka lumamig ang inihanda ko,"yakag nito sa kanya.

Hindi makapaniwala sa nakita niya. May mga petals na nagkalat sa sahig at nasa center table ang mga pagkain at isang bote ng wine.

Napaigtad siya ng may kung ano pumutok sa ere at bumuhos ang makulay na conffeti.

"Congratulation!" anunsiyo nito.

She's chuckled.

Inabot nito sa kanya ang isang kumpon na samo't-sari bulaklak.

"For you.." nakangiti nito saad.

Nakagat niya ang pang-ibaba labi para supilin ang kilig na umuusbong sa dibdib niya.

"Thank you.."kimi niya saad.

Inalalayan siya nito makaupo sa sofas na nalalatagan ng mga petals.

"May papetals ka pa.."

He chuckled. "Uhm,para romantic,ngayon lang tayo nakapagdinner ng ganito ," anito sabay hawak sa batok nito.

Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis na hinalikan niya ang pisngi nito pero sa bibig ng binata iyun dumapo.

Her eyes get widened. Agad na humiwalay siya pero agad na napigilan siya ng binata.

Hinaplos nito ang lower lip niya ng hinlalaki nito. Matiim ito nakatitig roon.

"Matagal ko na gusto itong tikman pero darating din tayo dun.." anito.

Bago pa man siya mahiya sa nangyari. Hinalikan na nito ang noo niya.

"Let's eat now..bago pa iba ang makain ko.." makahulugan nito saad.

Agad na napayuko siya sa pagkapahiya.

He chuckle."I love your being so innocent.."anito.

Sinimangutan niya ito na ikinatawa lang nito.

Komportable na siya rito kaya kahit minsan may sinasabi ito na medyo matured agad na dinadaan nito iyun sa panunukso sa kanya.

"Then,Let's drink this special wine from my place.." anito sa bote ng wine na medyo kakaiba ang itsura.

Doon lang niya napansin na tila kulay puti ang laman niyun taliwas sa kulay ginto na bote.

Nakangiti na tinanggap niya ang binigay nito plato na may lamang pagkain na sinandok nito para sa kanya.

The very thoughtful guy ever.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon