CHAPTER 12

11.8K 333 7
                                    

Hindi niya maiwasan ang labis na matuwa sa kaalaman na naaattract sa kanya si Ereka. Alam niya kabaliwan ang magpakita rito bilang lobo noong nakaraan gabi.

She's look so shock pero hindi niya nakitaan ito ng pagkatakot sa kanya. Namamangha pa nga ito.

Hindi lamang yun,nakita na raw siya nito sa panaginip at alam niya dahiL sila ang itinakda sa isa't-isa hindi maikakaila ang koneksyon nila ng dalaga.

Mula ng gabi iyun gabi-gabi siya pumupunta sa likod-bahay ng tinitirhan ni Ereka. Doon sila nagkikita bago ito matulog.

Labis ikinagalak niya ng magsabi ito ng paghanga para sa kanya. Damn,pinangalanan pa nga siya nito ng sarili din niya pangalan.

He chuckled.

Masaya ang kamahalan...

Agad na sinupil niya ang inner wolf niya. Panira ka ng araw.

Tulad ng mga sumunod na araw  hindi na nalilate ang dalaga. Bagaman na nahihiya pa rin ito kapag kaharap siya alam niya komportable na ito sa presensya niya.

Dito lamang ang atensyon niya habang tahimik ang lahat sa maikli pagsusulit ng mga ito. Nasa likuran ang dalaga at nakayuko habang sumasagot sa papel nito.

Ganun lamang siya hanggang sa matapos ang klase.

Ito ang inuutusan niya magkolekta ng mga papel at napuna niya agad ang pagtaas ng mga kilay ng kaklase nito mga babae.

He sighed. Alam niya walang kaibigan sa loob ng klase ang dalaga pero mabuti na yun dahiL nandito naman siya. Lihim siya napangiti. Magkikita sila muli nito mamaya gabi.

Breaktime. Naisipan niya na lamang magtungo sa library kaysa tumambay sa canteen. Wala rin naman gusto na makasabay siya kaya sa library na lang siya. Sanay naman siya mag-isa eh.

Bago pa man makaliko papuntang library room may bigla humatak sa kanya na nagpaigik sa kanya. Malakas na nabangga ang likuran niya sa pader.

Nasa harapan niya ang tatlo niya kaklaseng babae at nangunguna na roon si Marta.

"Tingnan mo nga naman ang sipsip...weirdo na nga at loner nagagawa pang sumipsip Kay Sir Clyde!" paratang nito sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.

"Akala mo siguro hindi namin nakikita ang paglapit-lapit mo Kay Sir Clyde noh! Ano? Sumisipsip ka at ang gusto mo ikaw lang ang napapansin ni Sir Clyde?!"tiim-bagang na angil ni Marta.

"Nagkakamali kayo ng iniisip.." pag-iling niya sa paratang.

Umismid si Marta at taas kilay na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka nga pero hindi ka papatulan ni Sir Clyde noh!" pataray nito saad.

She sighed. Ayaw niya makipagtalo sa mga ito malamang naiinggit lang ang mga ito sa kaniya.

Tinalikuran na niya ito pero bago pa man siya makahakbang nahagip nito muli ang braso niya.

"Bastos ka ah! Hindi pa ko tapos na kausapin ka!"singhal ni Marta sa kanya.

" Bitiwan mo ako.."usal niya.

Ngumisi ito at buo pwersa na hinaltak siya hanggang sa tumulong ang dalawa pang babae at pilit siya dinadala sa isang nakasara pintuan .

"Bilisan mo naman!" sigaw ni Marta sa isa nila kaklase.

Nagmamadali na inalis nito ang padlock at binuksan iyun. Malakas na tinulak siya papasok at natumba siya sa nagtambak na mga papel.

Huli na para matanto niya na kinukulong siya ng mga ito sa madilim na silid na iyun.

"M-marta! Buksan niyo ito!" paghampas niya sa pintuan.

Ilang beses niya iyun ginawa pero nanatili nakalock iyun mula sa labas.

Nagsisimula na siya balutin ng takot at pangamba sa madilim na silid iyun.

Tumutulo ang mga luha na napaupo na lamang siya sa maalikabok na semento.

Niyakap niya ang sarili tuhod at umiiyak na nagdarasal na sana na may tumulong sa kanya.

Agad na naalala niya ang kaibigan si Clyde...at si Sir Clyde.

"Clyde..." umiiyak na anas niya sa pangalan iyun.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon