Nang mga sumunod na araw ay naging mas malapit sila ng Sir Clyde niya. Palagi sila magkasabay nito umuwi sa paraan na wala makakakita sa kanila kung meron man wala naman sila masama ginagawa.
"Kain muna tayo.." untag ni Sir Clyde ng imaniobra nito ang sasakyan.
"Uhm,Sir..nilibre niyo na po ako kahapon baka po nakakaabala na ko sa inyo...baka po magalit sa inyo ang nobya niyo?" nahihiyang tugon niya rito.
He chuckled. "Don't worry,wala ako nobya,Ereka..one-woman man ako.."
Malakas na gumalabog ang dibdib niya sa huli nito sinabi. Ayaw niya bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ng Sir Clyde niya.
Teacher-student ang relasyon nila nito. Kung hinahangaan man niya ito ay natural naman siguro iyun di ba?
Hindi lang naman siya ang humahanga rito. Marami sila nagkataon lang siya ang masuwerte nilalang na pinapansin nito.
Lihim siya napangiti. Masarap sa pakiramdam ang isipin na binibigyan siya nito ng atensyon na hindi nakukuha ng kapwa niya humahanga rito.
Huminto ang kotse sa isang resto na tangi mga mayayaman lang ang nakakapasok. Gaya ng mga nauna,nahihiya pa rin siya pumasok na ganun ang suot niya.
"Don't be ashame,Ereka...Ayoko na nararamdaman mo yan kapag magkasama tayo,let's go.." pukaw nito sa kanya.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib niya.
Pilit niya kinakalma ang sarili habang magkasabay sila pumapasok ng Restaurant hanggang sa makaupo sila sa nakalaan mesa para sa kanila. Hinayaan niya muli ito ang mag-order ng pagkain para sa kanya at lagi masarap iyun.
"Malapit na ang graduation ball niyo,dadalo ka ba?" maya-maya untag nito.
Oo nga pala.
"Hindi po ako sigurado kung...kung papayagan po ako ng Tita ko.." hindi tiyak niya saad.
"Dumalo ka,ako na bahala magpaalam sa Tita mo.."
Agad na napatingin siya rito.
"H-ho?"
"Bilang adviser mo marapat lang na gabayan kita kung hindi iyun maibigay sayo ng pamilya mo ngayon.."
Natigilan siya sa sinabi nito.
Bago pa man siya makareak may tumawag sa kanya.
"Ereka?"si Ella.
Nanlaki ang mga mata niya napatingin rito.
Hindi ito makapaniwala na nakatingin sa kanya at pinalipat-lipat ang tingin sa kanila ng Sir Clyde niya. Sumalamin ang malisyosa tingin roon. At tila naman hindi alintana ng Sir Clyde niya ang presensya ng Stepsister niya.
" E-Ella..ikaw pala.."kinakabahan niya anas.
Agad na naningkit ang mga mata nito.
Taas noo na lumapit ito sa kanya.
"Hello,Sir..I'm Ella...sabi ni Ereka,guro ka niya," tahasan saad nito.
Balewala naman tumingin rito si Sir Clyde.
"Yes at isang mabuting kaibigan ang kapatid mo.."seryoso nito saad.
"TaLaga?" nakataas ang kilay nito untag.
Tumingin sa kanya si Sir Clyde.
"I'm Clyde.."casual nito sagot.
Ngumiti ang stepsister niya.
"Bagay na bagay sa inyo ang pangalan niyo,Sir Clyde.." mapang-akit na saad nito.
Malamig lang na tiningnan ng Sir Clyde niya ang stepsister niya.
"I think that's a compliment.." matabang nito saad.
Nang mahalata ng Stepsister niya ang pagbabalewala nito rito bumaling sa kanya ang babae.
"Humanda ka.."bulong nito sa kanya.
Nakangiti naman na muli lumingon ito Kay Sir Clyde.
" Maiwan ko na kayo..I have friends with me there.."
Tumango lang ang guro pero nakikita niya ang pagtiim-bagang nito.
Dama niya ang inis ng Stepsister sa kanya hanggang sa makaalis ito.
She sighed. Alam niya lagot siya rito mamaya.
"Tapusin muna ang pagkain mo,Ereka.."
Tahimik na tumango siya rito.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame