CHAPTER 21

10.3K 331 3
                                    

"Relax.." anas nito at bahagya tumawa.

Nirelax naman niya ang sarili.

"Nag-eenjoy ka ba?" usal nito sa tapat ng tainga niya.

Tumikhim siya. Kinakabahan talaga siya. "Uhm,Y-yes Sir.." agad na nakagat niya ang pang-ibaba labi niya ng magstutter siya.

He chuckled. "Ikaw ang center of attention,alam mo ba yun?"

Marahan siya umiling.

"You are beautiful,Ereka..hindi nila iyun nakikita dahiL hinusgahan ka nila agad.."

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata niya sa sinabi nito.

Hinaplos nito ang nakalugay niya buhok.

"You are very special girl in the world,Ereka..my mate," anas nito na ikinatigil niya.

Ano raw? My mate?

Bago pa man siya makabawi sa sarili ,inilayo nito ang sarili sa kanya at nakangiti na tumitig sa kanya.

"Masaya ako na nakilala kita,Ereka...na sa wakas ay pinagtagpo tayo," anito.

Nahihiyang ngumiti na lang siya rito.

Late na natapos ang kasiyahan kaya nagpasya ang Sir Clyde niya na sa bahay na lang siya nito iuwi at itinawag na iyun sa madrasta niya kaya hindi siya mangangamba na mapagalitan.

Nakapatong sa balikat niya ang coat nito ng pauwi na sila. Napakaalalahanin nito.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo magluto ako?" saad nito ng alalayan siya makapasok ng bahay nito.

"Uhm,okay lang po ba?"

Ngumiti ito. "Oo naman,anything for you,baby.."

Natigilan siya sa huli nito sinabi.

Namalayan niya na mag-isa na lamang siya sa salas saka lang siya nakahinga  ng maayos.

Mabilis ang tibok ng kanya puso.

Baby...

Pilit na iwinaksi niya ang namumuo konklusyon sa utak niya sa sinabi iyun ng Sir Clyde niya.

Nilibot na lamang niya ang paningin sa kabuoan ng bahay. Ngayon lang niya nagawa suriin ang bahay,hindi niya nagawa iyun noong unang beses na dinala siya nito sa bahay nito dahiL nagmamadali siya noon makauwi ng maalalang gabi na siya makakauwi sa kanila.

Pinasasalamatan na lamang niya wala noon ang mag-ina sa bahay kaya nakahinga siya ng maluwag.

Simple at minimal lang ang ayos ng bahay. Malinis at maluwag .

Bakit kaya walang nobya ang Sir Clyde niya?

Posible naman na wala itong magustuhan at marami naman nagkakagusto rito pero bakit single ang status nito?

Nakarating siya sa kusina kung saan nakita niya abala si Sir Clyde sa harapan ng kalan.

Lihim niya ito pinapanuod. She's smile while looking at his graceful and fast movement.

Bigla umusbong ang pamilyar na damdamin sa kanya habang pinapanuod ang lalaki sa ginagawa nito.

Napasapo siya sa kanya dibdib.

She's in love with him?!

Clyde...

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon