Kanina pa niya hinihintay ang paglabas ni Ereka. Hindi niya makontak ang cellphone nito. Nagulat siya ng tawagan siya ni Ella ang stepsister nito. Hindi na niya tinanong kung saan nito nakuha ang number niya may kutob siya may ginawa ito para makuha iyun sa dalaga.
Nag-aalala siya baka hindi naging maganda ang resulta ng pagpapaalam nito sana pala hindi na lang niya hinayaan ito na gawin nito iyun ng mag-isa.
Naikuyom niya ang mga kamao. Hindi na niya mahihintay pa ang oras. Lumundag siya at tinungo ang kabahayan.
Sinilip niya mula sa maliit na silid ang dalaga. Agad na umahon ang galit sa dibdib niya ng marinig ang paghikbi ng dalaga.
"Ereka..."
Mabilis na tinungo niya ang backdoor kung saan malaya siya pumasok noong unang beses na pinuntahan niya ang dalaga.
But to his surprise hindi na iyun mabuksan gaya ng dati.
Kahit ano pwersa niya sa magaan na paraan hindi mabuksan ang pintuan,hindi siya papayag na hindi mapuntahan ang dalaga. Sisirain niya ang pinto kung iyun lang ang paraan para makapasok siya.
Bago pa man niya magawa iyun narinig niya ang malakas na hiyaw ng dalaga.
"Ereka?!" bulalas niya.
Hindi niya maunawaan kung bakit niya dinadanas ito. Naging masama ba siya noong past life niya? Humihikbi siya habang tinatanong sa sarili ang katanungan iyun. Namimiss na niya si Clyde. Wala siya magawa na makontak ito dahil bantay siya ng madrasta.
Nabigla siya ng marahas na bumukas ang pintuan at dinamba ni Ella ang buhok niya at nanlilisik ang mga mata nito na sinasabunutan siya.
Malakas siya napahiyaw ng ibalya siya nito sa mga gamit na nakatambak para masaktan siya ng sobra.
"Walanghiya ka! May relasyon na pala kayo ni Clyde! Napakalandi mo!"hiyaw nito at muli siya nito hinablot sa kanya buhok.
"Tama na! Pakiusap,Ella!" pagmamakaawa niya rito.
Pero patuloy sa pananakit sa kanya ang babae. Naaamoy niya ang alak rito.
Isang sampal ang dumapo sa kanya pero bago siya matumba may sumalo sa kanya.
"Clyde!"
Agad na natulala ang babae na makita roon ang lalaki.
"C-Clyde..." puno ng sakit na saad niya.
Madilim ang mga mata nito nakatingin sa babae. Mukha ito papatay sa klase ng pagtitig nito sa babae.
"What's going on here?!" galit na pagsulpot ng madrasta niya.
Hindi makapaniwala napatitig ito sa kanila.
"A-anong ginagawa no rito,Mr.Esferial?" Anang ng madrasta.
Tiim-bagang sinulyapan ng binata ang mag-ina.
"Wala kayo karapatan saktan si Ereka.."
"Aba! At sino ka para magsalita ng ganyan?! At Bakit nandito ka? Paano ka nakapasok rito?!"
"Hindi niyo na masasaktan si Ereka..Kailanman.." matigas nito saad.
Hinila siya ng binata palayo sa mga ito.
"Wala kang karapatan kunin siya sakin! Hindi mo siya pag-aari!" nanggagalaiti paghabol ng madrasta sa kanila.
"Hold on,baby..hindi ko hahayaan na manatili ka pa rito.." seryoso nito saad.
Bago pa man maabutan sila ng ginang mabilis na lumabas sila sa sirang backdoor.
Nagtataka napatingin siya roon. Hindi na siya nakareak ng bigla -bigla ay niyakap siya ng binata at malakas na tinangay siya nito paalis sa lugar na iyun.
Parang nakalimutan niya makapag-isip sa ginawa ng binata. Tumatalon sila sa mataas na lugar hanggang sa hindi na niya makayanan ang impact ng bilis ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame