CHAPTER 26

10.2K 302 4
                                    

Kinakabahan siya ngayon nakauwi na siya sa kanila. Kahit na ang binata na magpapaliwanag sa kanya madrasta alam niya pagagalitan pa rin siya nito.

Inalalayan siya makababa ng kotse nito.

"Relax..sa tingin ko wala naman sila dyan."

Napasulyap siya sa kabahayan. Tama,wala ang kotse ng mag-ina. Bigla siya nakahinga ng maluwag. Bakit ba lagi na lang niya pinaiiral ang takot para sa mga ito?

"Ereka.." pukaw sa kanya ni Clyde.

"Totoo ang sinabi ko kanina..I'll take care of you.." sinsero nito saad.

"B-bakit?" lakas-loob niya saad.

Gusto niya malinawan kung ano ba meron sa kanila kahit alam niya sinabi na nito kanina ang intensyon nito. Gusto niya ng malalim na dahilan.

Matiim na tinitigan siya nito.

"K-kasi gusto ko lang ng malalim na dahilan,Clyde.." aniya.

"Uhm,sino ba naman ako para pagtuunan mo ng atensyon..isa pa guro kita baka mapahiya ka dahiL sakin kapag may nakakita sayo nakasama mo ako ayoko masira ang reputasyon mo.." matapat niya saad.

Inabot nito ang kamay niya. Marahan siya hinila nito at napasinghap siya ng yakapin siya nito.

Hinaplos nito ang buhok niya.

Pigil niya ang paghinga. Gumagalabog ang dibdib niya,nakakahiya dahil alam niyang nararamdaman nito iyun.

Lalo gumalabog ang dibdib niya ng maramdaman niya ang pagdampi ng bibig nito sa gilid ng ulo niya.

"Gusto kita,Ereka..not as my student..it's more than that.."bulong nito sa gilid ng ulo niya.

Doon na sya tuluyan nawalan ng kontrol sa sarili. Kusang yumakap ang mga braso niya sa mainit nitong katawan.

Maligalig siya. Hindi pa rin siya makatulog pagkaraan ng eksena kanina parang hindi na ata siya makakatulog pa.

Ayon Kay Aling Susan kahapon pa raw umalis ang mag-ina at hindi alam kung kailan ang balik.

Napabalikwas siya ng muli nagreplay sa isip niya ang sinabi ni Clyde.

Gusto kita Ereka.

Paulit-ulit iyun nagrireplay sa utak niya ang sinabi nitong iyun.

Natakpan niya ang nag-iinit na mukha. Sana lang hindi siya nanaginip. May katugon ang damdamin niya para rito.

He like her too.

Muli siya napatakip sa mukha.

Ugh,sana lang hindi agad matapos ang kaligayahan niya ngayon.

Pero guro mo siya? bigla sawata ng isip niya.

Agad na natauhan siya. Oo nga pala.

Bigla niya naalala ang sinabi ni Aling Susan.

Gagradweyt na nga naman na siya kaya pwede na.

Napakagat siya ng mariin sa kanya pang-ibaba labi. Kung meron lang sana siya masabihan.

Bigla niya naalala si Clyde. Ang malaking aso.

Agad na lumabas siya ng kwarto at nagmamadali tinungo ang likod-bahay.

Agad na natuwa siya ng makita roon si Clyde.

" Clyde!!"masaya na sinugod niya ito ng yakap.

"Kamusta ka? Namiss mo ba ko?!" natutuwa niya saad.

Tumango naman ito na ikinatawa niya.

"Good boy.." paghimas niya sa malambot nito balahibo.

"Alam mo bang ang saya ko ngayon..?" anas niya.

Nanatili nakatingin sa kanya ito.

"Uhm,G-gusto din daw niya ko..Clyde.."

Bahagya umungol ang aso.

She's chuckled. "Sana hindi lang ako nanaginip..kasi kung panaginip lamang ang lahat na ito baka mas masakit pa ito kaysa sa pinapadanas nina Tita at Ella.." may bahid ng lungkot niya saad.

Hinaplos ni Clyde ang ulo nito sa harapan niya. Niyakap niya ang leeg nito.

Mabango ang amoy nito parang pamilyar na amoy.

Clyde..bigla pagsulpot sa isip niya ang taong si Clyde.

"Nag-aalala ako kasi istudyante niya ko ..anong mangyayari ngayon?"

She sighed. Bahala na.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon