Dumating na ang araw ng kanya pagtatapos. Ang araw na dapat na pinanabikan niya pero hindi niya iyun nararamdaman dahiL wala naman pupunta sa graduation day niya. Nasa bakasyunan ang kanya madrasta at busy naman si Ella sa bago nito nobyo na kano.
She sighed. Hindi bale nang mag-isa siya aakyat ang mahalaga dumating na ang araw na maaari na siya makawala sa pamamahay na ito.
"Hija.." si Aling Susan.
Pilit na pinasigla niya ang sarili na lumingon rito. Kung maaari lamang na si Aling Susan ang sumama sa kanya kaso hindi maaari nito umalis kasi baka bigla dumating ang madrasta niya na bigla na lang sumusulpot mula sa paggagala nito.
"Mayroon ako munting regalo para sayo pagtatapos.."
Inabot niya ang maliit na box na may balot. Puno ng kasiyahan na niyakap niya ang matanda.
"Salamat po,Aling Susan!" maluha-luha niya saad.
"Naku,wala yun,dapat masaya ka dahiL nagtatapos ka na sa wakas at sa wakas din makakaalis ka na sa lugar na ito.." masuyo nito hinagod ang likuran niya.
"Opo,Aling Susan.." aniya.
Nangako siya sa sarili sa oras na makapagtapos siya,aalis na siya sa poder ng mga ito.
"Naeexcite ako para sayo,Hija..magiging masaya ka na pagkatapos ng paghihirap mo sa mga bruha iyun " ismid nito.
Natatawa humiwalay siya rito.
"Salamat po.." aniya.
"O siya,umayos ka na..baka dumating na ang prince charming mo," tukso nito sa kanya.
Tinupad nga ni Clyde ang sinabi nito hihintayin siya nito makapagtapos at kahit na hindi na sila nagkakasama lagi naman sila may kontak sa isa't-isa at lalo nahulog ang loob niya para sa binata.
Maya-maya pa ay dumating na ito.
Agad na binigyan siya nito ng halik sa kanya pisngi at sa noo. Ramdam niya ang pagkamiss nito sa kanya na magkalapit sila muli ng binata.
Nakasakay na sila ng kotse nito hawak-hawak nito ang kamay niya.
"Congratulation.." anito.
"Salamat.." aniya.
Masuyo nito hinalikan ang likuran ng palad niya na hawak-hawak nito.
Nasa ayos na ang lahat. Ilang minuto pa ay magsisimula na ang pagmamartsa ng bawat graduating paakyat sa entablado kasama ang mga magulang at guardian ng bawat istudyante magtatapos.
Siya lamang ang bukod tangi na wala kasama sa pila na magmamartsa paakyat sa stage. Naiinggit man siya pero wala naman siya choice basta masaya na lang siya na magtatapos siya iyun ang importante.
Kinakabahan siya dahil siya na ang sunod na magmamartsa. Nakatingin pa naman ang lahat sa bawat aakyat sa entablado.
Nang pahakbang na siya para magmartsa nagulat siya ng bigla sumulpot sa tabi niya si Clyde.
Nakangiti ito sa lahat habang sinasabayan siya sa paglalakad.
"Relax..hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang aakyat ng stage..I'm so proud of you,baby.." bulong nito sa kanya habang nanatili sa harapan nila ang kanila mga mata.
Nilukob ng katuwaan ang puso niya sa ginawa nito. Wala naman ito nabanggit na sasamahan siya nito sa pagmartsa.
Napangiti na siya. Wala na siya pakielam kong may pagdududa na nakatingin sa kanya ang lahat.
Sobra masaya siya dahiL sa ganito sitwasyon dumating na ang tao na sasamahan siya at hindi na siya nag-iisa pa.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame