"Napakaganda mo,hija!"mangha sabi ni Aling Susan ng tulungan siya nito mag-ayos.
Tinitigan niya ang sarili sa harapan ng lumang full length mirror na may crack na sa gitna.
Bagay na bagay sa kanya ang kulay krema laces longsleeve gown. Humahakab sa hubog ng kanya katawan.
" Dalagang-dalaga ka na,Ereka!"anang ng matanda habang sinusuklayan nito ang mahaba niyang buhok.
Manipis na foundation at lipstick lang ang nilagay niya sa kanya mukha.
"Bagay na bagay kayo ni Sir Clyde!"
Agad na pinamulahan siya ng mukha.
"Aling Susan,professor ko po siya.." kimi niyang saad.
Tumawa ang matandang babae. "Pagraduate ka naman na,pwede na yan," panunukso sabi ni Aling Susan.
Ngumuso siya para ipakita rito na hindi siya naniniwala sa ganun pangyayari.
Isang malakas na busina ang pumukaw sa atensyon nila. Agad na gumalabog ang dibdib niya.
"Nandito na ang prinsipe mo!" panunukso pa rin saad nito.
Napailing na lang siya rito.
Nadatnan niya kinakausap ito ng mag-ina. Halatadong nirereto ng madrasta si Ella pero mukha naman hindi enteresado rito ang Sir Clyde niya.
Agad na napatingin sa kanya si Sir Clyde.
Kinakabahan na tipid siya ngumiti rito. Halatang nagulat ang mag-ina ng makita ang itsura niya.
Nakita niya ang paghanga sa asul na mga mata ni Sir Clyde.
Patuloy pa rin sa pagrigodon ang dibdib niya.
"Oh,mabuti naman tapos ka na..wag mo ng paghintayin ang Sir Clyde mo," mariin nito sambit sa Sir Clyde.
Nakaismid na tumingin sa kanya si Ella.
"You ready?" nakangiti sabi ni Sir Clyde.
Gaya ng gusto nito iniwasan na niya na nakayuko rito lagi ng nakataas ang noo niya rito. Nakangiti na tumango siya rito.
Nilahad nito ang braso sa kanya. "Shall we?"
Naiilang na kumapit siya sa braso ng Sir Clyde niya dahil dama niya ang talim ng mga mata ng mag-ina sa kanya.
Nakahinga lang siya ng tuluyan sila makalabas ng bahay.
"You look beautiful as always,Ereka.." namamangha nito saad.
Nahihiya na ngumiti lamang siya rito.
He chuckled.
Tahimik lang siya habang patungo sila sa venue kung saan gaganapin ang graduation ball ng lahat ng graduating students.
Pagkarating nila ng venue ay agad na nakuha nila ang atensyon ng lahat kaya lalo siya nahiya pero hindi siya hinayaan ng Sir Clyde niya na maramdaman iyun.
Nang makita niya ang grupo nina Marta at agad na nagsiiwasan ang mga ito ng tingin sa kanya.
Nasuspende ang mga ito ng tatlong araw dahil sa pagkulong nito sa kanya sa stock room. Mula noon hindi na siya pinapansin ng mga ito. Tahimik at iniiwasan siya.
Okay lang. Hindi siya nagiguilty na naparusahan ang mga ito. Masama naman talaga ang ginawa ng mga ito sa kanya marapat lamang na turuan ng leksiyon.
Nagsimula na ang kasiyahan.Pinakilala ang bawat kurso at naiilang siya dahiL sa kanya nakatingin ang mga lalaki kaklase niya at sa ibang kurso.
May nagtatangka lumapit sa kanya pero bigla naman lalapit ang Sir Clyde at inaalok ng kung ano-ano makakain hanggang sa magkaroon ng sayawan.
Pumainlanlang ang malamyos na awitin at lahat ay may kanya-kanya ng kapartner.
"Hi,Ereka..pwede ba tayo sumayaw kung okay lang sayo?"paglapit ng kilalang varsity sa kanila.
Nahihiya siyang umoo pero wala si Sir Clyde na bigla susulpot kapag may lumalapit sa kanya.
Nasaan kaya siya?
" Ereka.."
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago marahan tumango rito. Agad na natuwa ang lalaki.
Maingat ito dumikit sa kanya. Marahan na ginalaw nito ang kanila katawan.
Sobrang nakakailang,ito ang unang beses na mararanasan niya ang ganito.
Halata din kinakabahan ang kasayaw niya panay lang ang ngitian nila.
Maya-maya pa ay may tumikhim sa likuran nila. Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita si Sir Clyde iyun. Seryoso ito nakatitig sa kanila.
"Pwede bang maisayaw din kita?" deretso saad nito sa kanya.
Agad naman nagpaubaya ang kasayaw niya. Nakangiti na nagpasalamat siya rito.
Agad na pinanlamigan siya ng katawan ng magdikit ang kanila mga katawan.
Napasinghap siya ng maramdaman ang matigas at mainit na katawan ng guro.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame