CHAPTER 15

10.8K 318 3
                                    

Walang mapagsidlan ang saya sa puso niya. Masaya niya ikinuwento sa kaibigan aso na si Clyde ang nangyari .

"Hindi ko alam pero sobrang tumaba ang puso ko ng niregaluhan niya ko ng bagong uniporme.." natutuwa niya saad habang nakasandig sa mainit na katawan ni Clyde. Nakadapa ito sa pinong damuhan habang siya naman ay nakasandal rito.

"Alam mo bang parang hindi na ko nahihiya sa kanya ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya habang tumatagal.." patuloy niya saad.

Sinulyapan niya si Clyde na tahimik lang nakikinig sa kanya.

"Alam mo bang hinaplos niya ang buhok ko?" aniya at dinantay ang kamay sa makapal nito balahibo. Marahan na humahaplos roon.

"Parang katulad na ginagawa ko sayo.." aniya habang marahan hinahaplos ang balahibo nito.

She sighed. Nababaliw na siya bakit ba lagi niya iniisip ang guro niya?

"Ereka!!!!"

Agad na napalingon ang dalaga ng marinig ang malakas na sigaw ng kanya madrasta.

Nag-aalala na nilingon niya si Clyde.

"Uwi ka muna baka makita ka niya!" bulong niya rito.

Tumayo ito at tila hindi nito gusto gawin ang inuutos niya.

"Sige na..bukas na lang ulit..ayoko makita ka nila baka anong gawin nila sayo..ikaw lang ang kaibigan ko,ayoko na mawala ka sakin.." aniya.

Mabilis na niyakap niya ito at nagmamadali pumasok ng kabahayan.

Sa pagkawala ng dalaga saka nagbalik sa dating anyo si Clyde.

"Hindi ako mawawala sa tabi mo..hindi kailanman.." bulong ni Clyde sa hangin at mabilis na nilundag ang mataas na pader sa anyo lobo muli.

Alam niyang hindi maganda ang pakiramdam niya pero pinilit niya pumasok pa rin.

Sa kasamaan ng madrasta niya,pinaglinis pa siya nito ng swimming pool kaya halos umaga na siya natapos at ilang minuto lang siya nakatulog bago siya pumasok.

Masakit ang ulo at katawan niya. Mainit din ang pakiramdam niya. Nang magbreak time imbes na bumili siya ng makakain. Nagtungo siya sa library room at tumungo sa pinakadulo bahagi ng mga bookshelves at gusto niya makaidlip kahit saglit lang. Nahihilo na rin kasi siya sa antok.

Hindi niya alam kung nanaginip siya pero parang siya lumulutang sa ere at naaamoy niya pamilyar na amoy na iyun.

Ang amoy ni Sir Clyde.

DahiL hindi niya maidilat ang mga mata hinayaan na niya ang sarili na lamunin ng antok.

Kailangan niya makaidlip bago siya pumasok sa sunod niya klase.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon