ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ꧁
Palubog na ang haring araw nang dumating ang isang engrade at gawa sa metal na bapor. Ito'y kumikinang sa kahel na sinag ng papalubog na araw. Ang karamihan sa mga pasahero nito'y nasa kubyerta na at kumakaway sa mga taong nasa daungan.
(Welcome to the Philippines!)
"Sea bienvenido a las Filipinas!"Ito ang kalimitang maririnig ng mga dayuhan sa kanilang unang pagtapak sa Perlas ng Silangan. Magiliw silang binabati ng mga manlalayag at mangangalakal sa daungan.
Sa karagatan ng mga nagmamadaling pasahero, may isang binata ang malumanay at matipunong naglalakad pababa ng kanilang sinakyang bapor. Siya'y napapikit habang bahagyang nakatingala upang namnamin ang sariwang hangin ng kanyang lupang sinilangan.
(My friend!)
"Mi amigo!" isang masayang bungad ng isang ginoong nakakurbata.Agad na napadilat ang binata at napatingin sa kanila.
Sabik na lumapit ang isa pang ginoo na may bitbit na maletang gawa sa kuwero.
「Kuwero : Leather」
Masigla silang nagyakapan at hindi kalaunan ay napuno ng magiliw na tawanan ang patigan ng dalawang magkumpadre.
Napangiti ang binata sa nasaksihan. Hindi na rin kasi siya makapaghintay na masilayang muli ang mga taong nasasabik niyang makita.
"Don Crisostomo!" isang tinig ang nakapukaw sa kanyang atensyon.
Agad siyang lumingon-lingon upang hagilapin ang may-ari ng boses. Mabilis namang nahanap ng binata ang pinagmulan dahil kakababa lamang ng ginoo mula sa lulan niyang kalesa.
Ang binata ay tuluyang dinaluhan ang ginoo pagkaraan na magtama ang kanilang mga mata. Isang mainit na yakap ang agad na ibinigay ng ginoo sa binatang bagong dating.
"Dios mio! Maligayang pagbabalik sa Filipinas! Hindi ako makapaniwalang bumalik ka na rito sa ating lupang tinubuan," madamdaming pagbati ng ginoo matapos niyang yakapin ang binata.
"Ginoong Santiago, nagagalak din po akong makita kayong muli," bating pabalik ni Crisostomo Ibarra sa kanyang sundo.
Hindi na napigilan ni Kapitan Tiyago ang tumangan nang tawagin siya ng binata sa parehong gawi ng kanyang ama.
Agad na ibinaba ni Ibarra ang kanyang dala-dalang maleta at inaluhan ang nagdadalamhating si Kapitan Tiyago.
"Ginoo, ano pong problema?" nag-aalalang tanong ni Ibarra.
Mahigpit na hinawakan ng ginoo ang balikat ng binata at saka pinakalma ang sarili. Hindi magawang tingnan ni Kapitan Tiyago ang mga mata ng binata dahil sa gusto niyang iparating.
Hindi niya malaman kung sa paanong paraan mabuting ipahayag kay Ibarra ang nangyari sa kanyang ama. Karapatan ng binatang malaman ang sinapit ni Don Rafael. Bagamat hindi ito ang tamang tagpo upang buksan ang usaping ito, nagpasya si Kapitan Tiyago na isiwalat ang kanyang nalalaman.
"Don Crisostomo..." bungad ni Katipan Tiyago ngunit tila umurong ang kanyang dila't hindi natuloy ang susunod niyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮
Historical FictionA princess whose past is shrouded in mystery, yet she shares a timeless love story. Despite being overlooked by her parents, she has found her prince charming, embodying the essence of a classic fairytale. However, Aria is not a princess. The moment...