ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁
Noong matiwasay na nang kaunti ang kanyang loob ay magalang na lumapit ang isang ginang kay Padre Damaso kasa-kasama ang isang binata. Sinubukan kong aninagin ang kanyang mukha ngunit dahil nakatalikod ang binata mula sa kinatatayuan ko ay nabigo ako.
Ito ay tinignan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa at kinuha ang sulat na sa kanya'y inaabot ng binatang ginoo.
Binabasa ng prayle ang liham na waring hindi nauunawaan. At dahil dito'y nagtanong siya nang, "Sino kayo?"
"Si—"
"Si... Si A—" sa kabila ng matinding kirot na aking nararamdaman ay sinubukan kong sambitin ang kanyang ngalan. Ngunit napainda ako ng malakas dahil sa matinding pagpulso ng aking sentido.
(Are you alright, ma'am?)
"Está bien, señora?"Isang nag-aalalang tinig ang aking na-alunigan. Kasabay nito ang pagsapo niya sa aking mga balikat. Sa kanyang pagtangan ay bigla na lamang nawala ang lahat ng kirot at sakit na aking nararamdaman.
Dahil sa kagyat na kaginhawaan ay napaangat ako ng tingin sa ginoong umagapay sa akin.
"... Señora?" muli niyang tanghal.
(I-I am okay.)
"Ah, e-estoy bien..." wala sa sarili kong tugon.Sandaling nanlaki ang kanyang pahabang mga mata. Ngunit ito'y nanumbalik agad sa dati at sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha.
Marahan niya akong inalalayan umayos ng tayo at saka magalang na dumistansya mula sa akin.
(I'm glad you know how to speak Spanish, ma'am.)
"Me alegra que sepa hablar español, señora," masiglang papuri ng ginoo sa akin.Kanina'y salungat siya sa sinag ng araw kaya naman hindi ko makita ang kanyang mukha. Ngunit ngayon ay lutang na lutang na sa akin ang kanyang kakisigan.
Ang ginoo ay lubhang mas matangkad sa akin. Ni ilang pulgada pa rin ang kalamangan niya sa taas ni Juan Vicente. Ang may kahabaan niyang buhok ay tila kulay ng mais sa ilalim ng sinag ng araw.
"Ginoo, salamat sa inyong pagsaklolo. Ang inyong kabutihan ay habambuhay kong tatanawing utang na loob," aking pasasalamat sa kanya.
Ako ay yumukod habang hawak-hawak sa magkabilang gilid ang aking saya bilang tanda ng paggalang sa ginoong tumulong sa akin. Ngunit dahil sa dagsa ng mga tao ay hindi maiiwasang magkasiksikan. Dahil doon ay hindi sinasadyang may nakabanggaan akong mamimili.
Wala akong nagawa kung hindi kumapit sa anumang bagay na nasa aking harapan. Namalayan ko na lamang na isang matipunong bisig ang aking nakapitan.
(Pardon me, ma'am)
"Perdóname, señora," muling bigkas ng ginoo.Bago pa ako makatugon ay kinuha niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang bisig. Hawak-kamay naming sinuong ang dagsa ng mga mamimili hanggang sa makarating kami sa silungan ng isang tindahan.
Agad niyang binitiwan ang aking kamay pagkarating namin sa silungan at humingi ng paumanhin.
"Ginoo, wala kang dapat ihingi ng kapatawaran," pagsisiguro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮
Fiksi SejarahA princess whose past is shrouded in mystery, yet she shares a timeless love story. Despite being overlooked by her parents, she has found her prince charming, embodying the essence of a classic fairytale. However, Aria is not a princess. The moment...