꧁ ҳ | ɖıєʑ

2.6K 256 187
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Imbecil!" isang malakas na sigaw ang aking narinig na agad kong ikinamulat ng mata. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. (Jackass!)

Nakamamatay ang kanyang nanlilisik na mata. Nagtagpo saglit ang aming paningin. Malamlam ito kahit nababatid kong galit ang kanyang kalooban. Ngunit pagbalik ng tingin ni Juan Vicente sa mga Guardia Civil ay agad itong naglaho.

Naiintindihan ko naman kung bakit takot ang mga bata sa kanya subalit mas naliwanagan ako ngayon. Kung hindi ko lamang siya nakabiruan ngayong araw ay matatakot din ako sa kanyang mabangis na tingin.

Habang siya'y mabilis na palapit sa amin ay binunot niya ang sable mula sa bayna nito at ipinukol sa mga Guardia Civil.

Kinuha niya ako mula sa mga ito't itinago sa kanyang likuran habang nakatutok pa rin ang sable sa kanila.

"Te atreves a tocarla?! Ella no es solo una mujer con la que puedes jugar. Quieres morir por mi mano?" may bahid ng pagtatangkang singhal ni Juan Vicente sa mga ito. Saka niya inilapit ang dulo ng sable sa noo ng Guardia Civil na humawak sa pulso ko. (You dare touch her?! She's not just a woman you can play with. Do you want to die by my hands?)

Agad na napaatras ang mga ito at yumuko sa heneral. Sila ay mas nakatatanda kay Juan Vicente, ngunit ang takot at respeto nila sa kanya ang mas nananaig.

"Ipagpatawad po ninyo ang aming kalapastanganan, Heneral Juan Vicente. Hindi namin nabatid na ang binibining ito ang inyong sinisinta," paumanhin ng Guardia Civil na may peklat sa leeg.

Ibinaba naman ni Juan Vicente ang kanyang sable bago nilapitan at sinikmuraan ang kasama ng nagsalitang Guardia Civil. Napaluhod at napadaing ang lalaki sa sakit na siya namang inaluhan ng kasama niyang may peklat.

"Tayo. Isa lamang ang ibinigay ko'y lumamya ka na? Kahihiyan kang matuturing sa Gorrion de Oro. Hayaan mo't ipaaalam ko ito kay Heneral Amadeo," pangsisindak na may halong pang-aasar na sabi ni Juan Vicente.

Ang dalawa-pagkarinig sa pangalang binanggit ni Juan Vicente-ay kapwa napatindig bigla at matitikas na humarap sa amin. Kanina'y namimilipit pa sa sakit ang Guardia Civil dahil sa pagkakasuntok sa kanya. Subalit naglaho ang lahat ng ito nang muli siyang tumindig.

Matamang pinukulan ng tingin ni Juan Vicente ang dalawa. Bago niya ibinalik sa bayna ang sable at pumagitna sa kanila.

"Señorita Maria," buo at napupuno ng kapangyarihang bigkas ni Juan Vicente, "Itatak ninyo sa inyong isipan ang pangalang yaon. Siya ay aming pamilya. Uli-uli, kapag nasilayan ko na siya ay binabastos ng kahit sino, hindi na nila maaabutan ang paglubog ng araw."

Ang nakakahilakbot na pagbabanta ni Juan Vicente ay sadyang tumagos hanggang sa buto ng mga nakarinig. Hindi ko aakalaing may ganito siyang mukha maliban sa mga ipinapakita niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya, sa mukha niyang walang bahid ng pagbibiro at sa kanyang mga matang matatalim na nakatingin sa dalawang Guardia Civil.

Even though those two were a bit rough with me, Juan Vicente had no reason to threaten them since they didn't do anything wrong. I know Juan Vicente is willing to kill if necessary.

I'm not going to see him differently just because he did that terrible thing. I know he did it for my sake, so I still think he's a good guy.

Walang tunay na mabuti at totoong masama. Lahat ng tao ay mayroon kabutihan at kasamaan sa kanilang pagkatao.

Saka ko lamang narinig ang impit na iyak ng isang bata na nagmumula pala kay Crispin. Gusto ko siyang lapitan kanina ngunit parang wala ako sa sarili't napatulala na lang sa kawalan.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon