ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁
𝟷 𝟾 𝟾 𝟾 , 𝙾 𝙺 𝚃 𝚄 𝙱 𝚁 𝙴 𝟸 𝟹
𝚂 𝙰 𝙽 𝙳 𝙸 𝙴 𝙶 𝙾
𝙻 𝚄 𝙽 𝙶 𝚂 𝙾 𝙳 𝙽 𝙶 𝚂 𝙰 𝙽 𝙿 𝙰 𝙱 𝙻 𝙾 𝚂 𝙰
𝙻 𝙰 𝙶 𝚄 𝙽 𝙰"Señorita!"
"Hija, anong nangyayari sa iyo?"
"Hija..."
"Señorita Mirasol!"
Nagitla ako nang may mga malalamig na kamay ang humawak sa magkabila kong braso at niyugyog ito.
Impit akong napatili sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako natatakot. Sa akin bang nasaksihan o sa paghawak ni Crispin sa braso ko.
"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" tila nauubos na ang pasensya ng doña base sa kanyang tono ng pananalita.
Inalis ko kaagad ang pagkakahawak ni Crispin sa aking balikat at balisang iginala ang paningin.
Gumagalaw na muli ang lahat. Hindi na tila papel ang buong paligid at wala na 'yung babae sa loob ng kampanaryo.
Para bang isang ilusyon lamang ng malikot kong imahinasyon ang aking nasaksihan kanina.
(My God!)
"Maghunus-dili ka nga, Mirasol. Dios mio! Kanina ka pa napapatigalgal sa simbahan at walang imik! Ngayon ay bigla ka na lamang hihiyaw." Sermon ni Doña Soledad matapos isarado ang kanyang hawak na abaniko.Nanlaki ang aking mga mata sa kahihiyan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka nagde-delusyon na ako dahil sa aking trauma. Hindi ko naman ito makompirma dahil kahit na nakapagtapos ako sa kursong medisina ay hindi ako bihasa sa utak ng isang tao. Nag-aral ako bilang surgeon, hindi psychiatrist.
"Ipagpaumanhin ninyo ang aking kahihiyang ganawa, Doña Soledad," paghingi ko ng tawad sa doña.
"Ano bang nasilayan mo sa labasan at napatili ka, hija?" wala nang bahid ng pagkainis ang tono ng pagtatanong ni Doña Soledad ngayon.
Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko alam ang sasabihin. Magmumukha akong baliw kapag sinabi ko ang totoo. Iba pa naman ang pananaw nila sa may mga sira ang ulo. Sa tingin nila'y sinasapian ito ng demonyo.
Hindi pa gumagana ng maayos ang aking utak dahil nawiwindang pa ito sa nakita ko kanina. Napatingin na lamang ako sa labas upang makahanap ng idadahilan.
Nasa harap pa rin pala kami ng simbahan dahil maraming tao ang nagsisilabasan. Siguro'y kakatapos lang ng pang-umagang misa.
Mula sa ingay ng mga nagkukumpulang tao, isang brusko at malakas na tinig ang nangingibabaw sa lahat.
"Punyeta! Alis! Lumayas ka sa harap ko! Pobre! Indio!" marahas na panunuya ng isang matabang prayle sa isang matandang babae na mukhang nanghihingi lamang ng barya sa kanya.
Hindi naman sumagot o lumaban ang pulubi ngunit patuloy pa rin ito sa pangungulit sa matabang prayle. Hindi na nakatiis ang prayle at sinipa niya ang matanda dahilan upang mapasubsob ito sa lupa. Nagsi-tapunan ang mga nakolekta nitong barya't pilak na siya namang pinag-agawan ng iba pang pulubing malapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮
Ficção HistóricaA princess whose past is shrouded in mystery, yet she shares a timeless love story. Despite being overlooked by her parents, she has found her prince charming, embodying the essence of a classic fairytale. However, Aria is not a princess. The moment...