꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ

2.2K 106 14
                                    

ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ

𝟸 𝟶 𝟷 𝟹 , 𝙾 𝙲 𝚃 𝙾 𝙱 𝙴 𝚁 ? ?
? ? ? ?

"Ang ngalan ko ay Maria Sol," pagpapakilala ng misteryosong binibini sa binatang ilustrado.

Ang mga hibla ng buhok ng binibini na naiwan mula sa pagkakatali nito ay nililipad ng malamig na hangin. Ito'y palihim na pinagmamasdan ng ginoo dahil sa kahanga-hangang tanawin sa ilalim ng nakangiting buwan.

"Ako'y nagpakilala na kanina ngunit ibig kong personal na sabihin ang aking ngalan sa iyo, Binibining Maria," huminto sa pagsasalita ang ginoo at yumuko, "Ang ngalan ko'y Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin."

Nagpatuloy ang malugod ngunit talusalang pag-uusap ng dalawa. Wari'y may ibig iparating ang kanilang mga mata na nakatunghay sa isa't isa. Ang kanilang mga dila na namamaluktot pagkaraang sumambit ng ilang salita. Lahat ng ito'y kalituhan para sa kanila.

(Until we meet again, Crisostomo.)
"Hasta que nos encontremos otra vez, Crisostomo," ang huling salita ng binibini para sa ilustradong binata.

Ang pangungusap na iyon ay nag-iwan ng marka sa isipan ng ginoo. Tanda ng kanilang hindi mapagkakailang ugnayan...

Sa pagbuklat niya sa susunod na pahina ay wala na itong nilalaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pagbuklat niya sa susunod na pahina ay wala na itong nilalaman. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang kanyang nagsisilbing ilaw sa gitna ng dilim.

Noong una ay hindi pa siya naniniwalang wala nang kasunod ang kanyang nabasa. Inulit-ulit niyang basahin ang huling pangungusap kahit na ito'y hindi niya mahinuha.

Isa, dalawa, tatlo, ngunit blangko pa rin ang kapiling nitong papel. Inulit niya ito nang inulit hanggang sa halos mapunit na ang malulutong na pahina ng librong kanyang natagpuan.

Wala pa rin at hindi nagbabago ang blangkong pahina matapos ng huling pangungusap na iyon. Hindi niya napansin ang panginginig ng kanyang mga kamay hanggang sa mapadako ang mga mata niya rito.

Hindi siya makapaniwala sa nabasa. Naniniwala siyang hindi ito totoo ngunit parang nangyayari talaga sa realidad ang mga lumilitaw na sulat sa bawat pahinang nabubuklat niya.

Ano na nga ba ang nangyari mula nang mawala si Aria sa mundo ng kasalukuyan?

What actually took place after her transmigration? When she first discovered the book in the library, the magic has begun.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon