꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ

2.6K 227 147
                                    

ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ

Hindi maaaring magkamali si Yuan sapagkat sa haba ng pinagsamahan nila ni Aria ay halos kabisado na niya ang gawi ng dalaga. Si Aria ang apple of the eye ni Yuan simula pa lang nang una silang magkita sa silid-aklatan ng kanilang kolehiyo.

Iniangat niya ang kanyang kaliwang kamay at marahang hinaplos ang bawat letrang nakasulat sa pahina. Sa paglapat ng kanyang balat dito ay tila nararamdaman ni Yuan ang presensya ni Aria sa bawat titik. Napakapamilyar ng penmanship na ito at nakakasiguro si Yuan na si Aria ang may sulat nito.

He was in a trance. As if the words and the ink were devouring him and swallowing his soul into oblivion. Yuan's fingers were shaking and his shallow breaths were leaving traces in the air like mist.

It is not winter season yet in Japan. But the chilly frigid atmosphere that was enveloping him were making Yuan want to crawl under the ground.

His eyes were locked onto the words hand-written on the frail paper of the diary. Until the howling winds rattled the sliding doors and pulled out Yuan from his rapture.

Tila nawala siya sa sarili at ngayon lang natauhan. Nilibot ni Yuan ang kanyang tingin sa pag-aakalang may iba siyang kasama sa silid. Hanggang sa maramdaman niyang sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at ang paghabol niya ng hininga.

"Sheet," isang mahinang pagmura niya dahil sa sobrang kaba.

Humakbang paatras si Yuan at napahawi ng buhok. Naramdaman niyang nabasa ang kanyang palad matapos nito. Hindi niya mawari kung bakit siya pinagpapawisan kung gayong napakalamig ng temperatura sa loob ng kuwarto.

Huminga si Yuan ng malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Pagkatapos ay itinuon niya uli ang kanyang atensyon sa hawak niyang kuwaderno. Muli niyang binasa ang nilalaman ng pahina.

"Babalik ako sa pagtatapos ng ating simula..." mahinang pagbigkas niya sa unang pangungusap na nakasaad sa papel.

"Natagpuan na kita, aking... sisero?" patanong na pagbasa ni Yuan sa nalalabing pangungusap.

Sa pagtatapos ng kanyang pagbasa ay bigla na lamang naglaho ang mga letra na tila tubig na sinipsip ng pahina. Bagamat na windang sa nangyari ay hinigpitan pa ni Yuan ang pagkakahawak niya sa kuwaderno.

Hindi pa rin tuluyang nakakabawi si Yuan sa nasaksihan kanina. Ang linyang iyon kanina ay orihinal na nasa wikang Espanyol. May kung anong salamangkang nangyari at nabago ito tungo sa wikang naiintindihan ng binata.

Naniniwala si Yuan sa siyentipikong eksplinasyon sa mga bagay-bagay dahil pinalaki siya nang ganoon ng kanyang mga magulang. Itinatak ng kanyang ama sa kokote ni Yuan na walang himala at swerte. Na ang lahat ay makakamit kung magsisikap lamang ang isang tao. Na ang mga bagay at pangyayaring dumarating ay may dahilan at makatotohanang rason.

Kaya't ang kakatwang nasaksihan ni Yuan kanina ay hindi niya lubos maunawaan. Ngunit naguguluhan man ay lakas loob niyang binuklat ang sumunod na pahina.

Agad siyang nakahinga nang maluwag sa pag-aakalang wala nang kakaibang mangyayari dahil walang laman ang sumunod na pahina. Ngunit agad din naman itong nawala sapagkat maya-maya lang ay unti-unti nang lumitaw ang mga tintang letra.

Nanlalaking matang pinanonood niya kung paano humantad ang mga letra hanggang sa makabuo ito ng mga salita.

Nanlalaking matang pinanonood niya kung paano humantad ang mga letra hanggang sa makabuo ito ng mga salita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon