ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁
Ang buwan ay unti-unti nang natatakpan ng makakapal na ulap. Bilog na bilog ito at tila ba mas matingkad pa kumpara nitong mga nagdaang gabi.Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga kumikislap-kislap na bituin. Binibilang ng aking mga mata ang bawat nilang pagkinang. Waring sinisimbolo ng mga iyon ang pagpatak ng oras na inilalagi ko rito.
Those crickets really know how to put me to sleep with their music. It's like they're always playing my favorite tunes when I need a nap. But my eyes just won't cooperate, I still can't manage to fall asleep even with the concert going on outside.
The cold wind was gently brushing through my hair. With each touch of the breeze on my skin, I found myself inhaling instinctively. The night was incredibly tranquil, causing me to briefly question whether this experience was but a dream.
"I don't even know what kind of dream would be better," I was just whispering into the air, gazing at the bright moon, hoping it would give me some kind of answer.
Alam kong malabong sumagot ang buwan sa daan-daang tanong sa aking isipan. Subalit nakarinig ako ng mahinang bungisngis. Sa pag-aakalang pinagtatawanan ako ng buwan, mataimtim ko itong tinitigan.
"Nababaliw na ba ako? O dinadalaw na ako ng antok?" bulong ko pa.
Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa buwan ngunit wala itong imik at tila walang pakialam sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking kabaliwan. Sandali ko pang iginala ang paningin upang siguraduhing hindi 'yon nanggaling sa ibang taong nasa labas.
Tumalikod na ako upang iladlad na sana ang kurtina ng bintana. Ngunit agad akong natigilan nang mapansing 'di ako nag-iisa sa kuwarto.
Hindi ko alam kung hahakbang ba ako palapit sa kanya o mananatili ako sa aking kinatatayuan.
"Ang panaginip ay isang kataliwasan ng katotohanan..." aniya. Nahihimigan ko pa ang bahid ng tuwa sa kanyang boses.
Isang multo ang patuloy akong ginagambala. Siya'y nakaupo sa tapat ng tokador. Hindi siya nakatingin sa akin sapagkat abala ito sa kanyang isinusulat.
Ang mahaba niyang buhok ay nakaladlad sa kanyang likuran. 'Pagkat bahagya siyang nakatungo, natatabingan ng kaunting hibla ng buhok ang kanyang mukha. Ang kanyang gayak ay tulad din ng sa akin. Kung titignan nga ay para kaming pinagbiyak na bunga.
"Naliligaw ka pa rin. Hanggang kailan ka ba mananatili sa tadhana na hindi naman para sa iyo?" matapos nito'y marahan niyang ibinaba ang pluma sa pagitan ng dalawang pahina.
Nanatiling tikom ang aking bibig habang pinapanood siya na unti-unting humaharap sa akin. Muling nagtapat ang dalawang pares ng mata na 'di mapagkakaila ang karikitan. Nanlaki na naman ang sa akin samantalang bahagyang kumurba ang kanya.
"Hindi mo pa rin siya nakikilala. Hindi ko alam kung sadyang nabahiran na ng kasinungalingan ang iyong kaluluwa, o talagang nalimutan mo na ang iyong katotohanan," nakangiti niyang saad sa akin.
Ilang segundo kaming nagtitigan. Nanatili ang kanyang ngiti sa labi habang patuloy akong nahihiwagaan sa nangyayari. Maya-maya ay mabini niyang inilahad ang kanyang palad sa akin.
May kung anong salamangka ang nangyari at 'di ko mapigilang ihakbang ang aking mga paa. Isa, dalawa, tatlo, at unti-unti nang lumiliit ang distansya naming dalawa.
"Maria... Hindi rito ang iyong palasyo. Wala sa lupaing ito ay 'yong kapalaran. Hanapin mo ang ginoo sa kastilo ng buwan, at sa kanya magmumula't sisikat ang yaring araw," ang matalinhaga niyang parirala.
BINABASA MO ANG
Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮
Historische RomaneA princess whose past is shrouded in mystery, yet she shares a timeless love story. Despite being overlooked by her parents, she has found her prince charming, embodying the essence of a classic fairytale. However, Aria is not a princess. The moment...