꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ

2.4K 213 101
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Ang halos lahat ng nakarinig ay napalingon sa isang ginang na puno ng kolorete ang mukha at ang buong katawan. Mahahalata na ang edad nito dahil nag-uumpisa ng mangulubot ang kanyang balat.

Hindi ko na sana ito papansinin ngunit sa amin siya nakatingin— o mas magandang sabihing kay Crispin siya nakatingin.

"Anong ginagawa ng paslit na iyan dito? Hindi na nahiya sa kawalang hiyaan ng kanyang ina!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng ginang sa amin habang matalim na nakatingin kay Crispin.

Agad namang nagtago sa likod ko ang bata at mahigpit na humawak sa aking saya habang nakatungo.

(What a dirty beggar you are!)
"Hampas lupa! Qué sucio mendiga eres!" panglalait pa nito kay Crispin.

Kumunot ang aking noo habang tumatagal dahil hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng ginang. Hindi tama na ipahiya niya ang isang bata sa harap ng maraming tao at tawa-tawagin ito sa kung anu-anong ngalan.

"Tumuloy na lamang tayo, Albino," pagbaling ko kay Albino bago kuhain ang kamay ni Crispin na nakakapit sa aking saya upang pisilin.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang nakakasuyang sensasyon sa aking katawan. Ngunit pinili ko itong tiisin para kay Crispin.

Hindi ko alam kung anong atraso niya sa ginang ngunit labis na ang panghihiyang ginagawa nito sa bata. Ayoko namang gumawa ng eskandalo lalo pa't nasa ibang bayan kami at wala si Juan Vicente rito.

Alanganin namang ngumiti at sumunod si Albino habang palihim na sumusulyap sa nagbubunganga pa ring ginang.

(Stop! Where are you going?)
"Parar! A dónde vas? Hindi pa ako tapos sa aking pananalita. Mga walang galang sa nakakatanda! Pare-parehas kayo ng batang iyan na nagmana sa kanyang mga magulang!" natigil kaming muli dahil sa paglapit ng ginang sa amin.

"Ano pa bang sadya ng batang iyan dito kung hindi magkalat na naman ng kahihiyan! Tulad ng nakatatanda niyang kapatid na mapahangas na nagnakaw sa kaban ng simbahan! Maski ang walang kwenta niyang ama na walang ginawa kung hindi magpakalulong sa cerveza at ang ina niyang nagpapakamartir sa kahangalang pagsinta! Isang pamilya na walang silbi!" maaanghang na aliktya ng ginang na halatang ipinaririnig pa ang kanyang mga tinuran sa ibang tao.

Aliktya : Insult

"Mawalang galang na ho pero hindi naman yata nararapat na hamakin mo ang isang musmos na walang kalaban-laban," hindi ko na mapigilang magsalita.

Napatigil ang ginang matapos na siyang napataas ang kanang kilay. Bumaling sa akin ang mapanghusga niyang mga mata at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Hmmm... Isang makapal na mukhang binibini ang nagsalita sa aking harapan. Anong alam mo sa bayan ng San Diego? Wala! Wala kang karapatang pagsabihan ako, nena!" Idiniin niya ang salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay little girl.

"Kayo ho ang nagsimula nito kaya wala akong kasalanan sa masasabi ko kapag hindi mo pa itinikom ang iyong bibig, señora. Sino sa atin ang nag-aastang bata at nakikipagbuno sa taong wala namang kalaban-laban sa kanya?" laban ko sa pangmamaliit ng ginang sa amin.

Alam ko kung kailan ako tatahimik at kung kailan ako lalaban. Ilang beses ko ng hinayaan ang panghahamak niya sa amin. Hindi ko na hahayaang mamihasa pa ang ginang na ito na siya namang unang pumutak sa amin.

Narinig ko ang pagsinghap at pagkagulat ng mga nanonood. Hindi nila siguro inaasahan ang aking pagsagot.

Hindi ako isang maria clara na tulad nila. Nagmula ako sa makabagong panahon kung saan palaban ang lahat ng tao.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon