꧁ ı | ųŋơ

4.2K 447 827
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

𝟸𝟶𝟷𝟹,𝙾𝙲𝚃𝙾𝙱𝙴𝚁 𝟷𝟶
𝙼𝙰𝙽𝙸𝙻𝙰,𝙿𝙷𝙸𝙻𝙸𝙿𝙿𝙸𝙽𝙴𝚂

Mataas na ang sinag ng araw at ang bughaw na langit ay nababalutan ng mapuputi at naglalakihang ulap.

Nakatingin ako sa mga gusaling nagtataasan at sa mga taong abalang naglalakad tungo sa kani-kanilang paroroonan habang binabagtas namin ang daan papuntang paliparan.

Kasama ko ngayon ang ilan sa mga taong naging malaki ang ambag sa aking buhay.

Si Kuya Levy ang nagda-drive, nasa passenger seat si Yuan samantalang nasa back seat kami ni Roanne.

"Pwede naman akong bumisita sa inyo, hindi ba?" tanong ni Yuan habang nakatingin sa akin sa rear-view mirror.

Ngumiti ako sa kanya at sasagot na sana, ngunit naunang magsalita ang aking kapatid.

"You wish," madiin na sabi ni Kuya Levy habang nananatili sa daan ang kanyang paningin.

Tinawanan lang ito ni Roanne habang ako naman ay lihim na napabuntong-hininga.

"Mami-miss mo rin ako 'tol, bahala ka," kunwari'y naiinis na sabi ni Yuan bago bumaling sa labas.

I just stayed quiet and let them figure things out on their own. Yuan and my brother are still really close. I feel it deep down inside that they still care about each other.

Yuan and Roanne showed up earlier today to give us a ride to the airport. Our flight is today, something we've been looking forward to for a while. Thanks to this trip, we're feeling much better about being apart.

I know I'm gonna really miss Yuan. Like, for sure.

So, all of us graduated from Ateneo de Manila four months back. I got my bachelor's degree in health sciences along with Kuya Levy, while Roanne studied development studies, and Yuan focused on political science.

Gusto ni Yuan maging sundalo samantalang magiging doktor naman kami ni Kuya Levy.

Natigil ako sa pag-iisip nang mag-vibrate ang aking phone. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking pantalon at tinignan kung sino ang nag-text.

Napangiti ako sa aking nabasa. Tumingin ako sa rear-view mirror at nakita kong nakatingin din sa akin si Yuan habang nakangiti.

Napapailing ako habang nagre-reply sa message niya. Naka-background pa sa SMS ko ang picture naming dalawa.

 Naka-background pa sa SMS ko ang picture naming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon