꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє

2.4K 144 109
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Humihingi ako ng kapatawaran sa sinapit ng munting paslit at sa pagka-abala sa inyo, Ginoong Albino at sa inyo mga binibini," nakahahabag na paumanhin ng binibini habang nakayuko sa amin.

Tila na-estatwa naman si Albino habang namumula't hindi maalis ang mata sa bagong dating. Gayon din si Crispin at ang halos lahat ng taong malapit sa amin.

Hindi naman kataka-taka ang mga reaksyon nila. Walang halong biro't pangbobola pero napakaganda nga ng binibining kasalukuyang nakayuko pa rin sa amin.

Nasa marilag na dalaga ang buong atensyon ng lahat. Kaya hindi namin napansin ang ginang na kasama niya sa kanyang likuran hanggang sa ito'y magsalita.

"Kumusta ang bata, Maria?" nag-aalala rin nitong tanong.

Hindi na nagawang sagutin pa ng binibini ang itinatanong ng ginang sapagkat tumakbo na palayo ang batang gusgusin. Hindi na rin namin nalaman ang kanyang kalagayan.

"Malakas ang iyong loob upang hilahin ang bata palayo sa rumaragasang kalesa, binibini. Nakakahanga ang iyong taglay na katapangan tulad ng nakabibighani mong mukha," nakangiting papuri sa akin ng ginang nang lapitan niya kami.

Katabi niya ang magandang binibini na mahinhin pa ring nakangiti sa amin.

Hindi ako sanay sa sobrang pagkamahinhin niya at sa kanyang nakakapukaw na kagandahan. Kaya naman ay napatitig na lang ako sa kanya.

Itim na itim ang kulot niyang buhok na nababalutan ng manipis na puting belo. Ang kalahati ng kanyang buhok ay nakatali ng isa samantalang masinsing nakalugay ang natitira nito.

May kakapalan ang kilay na nagpapadagdag sa alindog ng kanyang singkit na mga matang may kulay matapang na kapeng balintataw.

Matangos ang ilong at may katambukan ang kanyang pisngi kahit na tila hugis orasa ang kanyang pangangatawan.

Orasa : Hourglass

Makipot ngunit mapula-pula ang labi niyang tila nahihiyang ipakita ang mapuputing ngipin nakatago rito.

Siguro'y may lahing banyaga ang binibining ito sapagkat naiiba ang ilang katangiang taglay niya sa isang purong Pilipino.

"Ako'y nakikimi sa inyong pagsulyap sa akin, ginoo at mga binibini," nahihiyang sabi ng binibini habang tinatabingan ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang suot niyang belo.

Kimi : Blush

"Ah! L-Lubos akong humingi ng tawad sa kapahangasang aking nagawa, Binibining Maria. Ipagpatawad mo," agad na natauhan si Albino at yumuko sa kanila.

Lihim naman akong natatawa sa aking isipan at pinigilang mapa-iling.

Mga maginoo nga naman noong unang panahon. Kung sa makabagong henerasyon ito nangyari paniguradong babanatan na ng lalaki ng mga mabubulaklak na linya ang sinabi ng binibini.

Nakita ko ang ngiti ng ginang nang makitang namumula ang pisngi ni Maria. Nang mapansin niya na nahahalata namin ang kanyang hiya ay mahina siyang tumikhim at bumaling sa akin.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon