꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

2.4K 96 4
                                    

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng mga kahulugan para sa mga termino na nakapaloob sa kuwento na ito. Kabilang dito ang mga salita na maaaring hindi pamilyar o hindi malinaw sa inyong mambabasa.

Ito ay palaging magbabago tuwing may hindi pamilyar na salita sa bawat susunod na kabanata.

▌│█║▌║▌█║▌║║ A ║▌║█║▌║▌║█│▌

Abuelo • Salitang Espanyol na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'grandpa'. Ang tawag sa magulang na lalaki ng iyong ama o ng iyong ina.

Alaboryo • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'beads'. Isang maliit na piraso ng materyal na tinusok sa isang pisi.

Alampay • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'shawl'. Isang piraso ng tela na ginagamit lalo na ng kababaihan bilang pantakip sa ulo o balikat.

Aliktya • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'insult'. Kilos o ekspresyon na nagpapakita ng pang-aalipusta at karaniwang layon na manakit sa damdamin ng iba.

Alperes • Namumuno sa mga guardia civil sa isang pueblo. Ito ang pinakamababang ranggo ng opisyal na itinatalaga at maaaring palitan ng Segundo Teniente o sa Filipino ay Ikalawang Tenyente sa serbisyo.

Alwan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'comfort'. Paraan na mapagaan ang dalamhati o problema ng isang tao.

Amigo • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'friend'. Tawag sa taong may gusto at nagtitiwala sa iba.

Apoyuhan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'help'. Magbigay sa isang tao ng kung ano ang kapaki-pakinabang o kinakailangan upang makamit ang kanilang layunin.

Azotea • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'balcony'. Isang patag at walang bubong na lugar ng isang gusali.

▌│█║▌║▌█║▌║║ B ║▌║█║▌║▌║█│▌

Bagong Espanya • Dating pampolitikang yunit ng mga teritoryong Kastila sa Hilagang Amerika at Asya-Pasipiko noong taong 1535 hanggang 1821. Ang teritoryo nito ay binubuo ng kasalukuyang Timog Kanlurang Estados Unidos, Gitnang Amerika, ang Carribean, at Pilipinas.

Balani • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'charm'. Isang katangian na nakakabighani, nakapang-akit o nagpapasaya.

Balay • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'house'. Gusali na nagsisilbing tirahan para sa isa o ilang pamilya.

Balyente • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'brave person'. Tawag sa tao na mayroon at nagpapakita ng mental o moral na lakas upang harapin ang panganib, takot o kahirapan.

Bastidor • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'frame'. Ang marhen sa medyo makitid na espasyo na nagmamarka sa panlabas na limitasyon ng isang bagay.

Bayna • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'scabbard'. Isang kaluban para sa espada, sundang o bayonet.

Borlas • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'tassel'. Isang nakalawit na palamuti na ginawa sa pamamagitan ng paglalagay ng magkatulad na isang bungkos ng mga lubid o sinulid na pantay ang haba at ikinakabit ang mga ito sa dulo ng isang bagay.

Buźon • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'mailbox'. Isang kahon inilalagay malapit sa isang tirahan para sa liham ng nakatira.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon