꧁ ıҳ | ŋųєʋє

2.6K 281 241
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Ang totoo kong pangalan ay Maria Sol Marqueza. Subalit gusto ko na tawagin sa aking palayaw. Gusto ko na malinaw sa 'yo 'to, Juan Vicente," pagpapakilala kong muli kay Juan Vicente.

I hardly ever use Maria Sol because it kinda makes me feel old. My friends think my second name is too short with just one syllable, so they usually don't end up calling me by it. And Maria just doesn't really feel like it fits me, it's just so common.

"Marqueza... May ilan akong amigo na maaaring nakakakilala sa iyong angkan. Diyan ako magsisimula sa paghahanap, binibini," tumatango-tangong tugon ni Juan Vicente nang marinig niya ang sagot ko.

Mariin ko na lamang itinikom ang aking bibig. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasasabi nila sa akin. Kaya wala akong intensyon na ipaalam kay Juan Vicente ang katotohanang walang mararating ang kanyang gagawin.

"Ibig kong tawagin ka sa iyong ngalan, binibini. Mas nababagay sa 'yo ang pangalang Sol. Maaari ba?" paghingi ng permiso ni Juan Vicente.

"No," I shut him down without hesitation, and instantly noticed his frown. He didn't say a word, just gave me a fierce look. But I know that if I switch back to speaking English, Juan Vicente might scold me again.

Hindi ko kasi mapigilan. Tinuruan ako na magsalita ng Nihonggo kaysa Tagalog. At nag-aral sa paaralan na mas gumagamit ng wikang Ingles. Kaya paano ko madaling masasanay ang aking dila na magsalita ng diretsong Filipino?

"Huwag mo ako tititigan nang ganyan. Baka gusto mong tawagin din kita sa iyong buong pangalan," pagtataray ko sa kanya. Lihim akong napangiti nang makita ang pagkunot lalo ng noo ni Juan Vicente.

"Juan Vice—"

"Kung gayon, ano ang ibig mong itawag sa 'yo, binibini?" ang agarang pagputol ni Juan Vicente sa pagtawag ko sa buo niyang pangalan.

"Pwede ba? Huwag mo rin akong tinatawag na binibini. Ariya ang itawag mo sa akin. 'Yon lang at wala nang iba," madiin kong paglilinaw sa aking nais mangyari. Nasa makabagong henerasyon na tayo at 'di ako papayag na tawagin sa pangalang mas antigo pa kaysa sa mga muwebles dito.

"Lo entiendo, Señorita Maria," tila ba nang-aasar na sabi ni Juan Vicente. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit sinuklian niya lang ako ng mahinang bungisngis. (I get it, Miss Maria.)

Kahit 'di ko gusto, napilitan akong magpaubaya sa kanyang ninanais. Pasalamat si Juan Vicente dahil magaan ang loob ko sa kanya.

Ilang minuto pa lang kaming nagkakausap at naglolokohan. Pero pansin ko na hindi gusto ni Juan Vicente na tinatawag sa buo niyang pangalan. Laging kumukunot ang noo niya sa tuwing may nagsasabi noon. Subalit hindi halata dahil sa pagiging seryoso ng kanyang mukha.

"Habang ikaw ay naririto sa Filipinas, ibig kong ayusin mo ang iyong pananalita. Ituwid mo ang iyong dila't timpiin ang sarili sa paggamit ng wikang banyaga. Hangga't maaari ay wikang Espanyol o kaya'y salita ng mga indio lamang ang iyong bigkasin," tumigil si Juan Vicente at lumapit sa akin mula sa pagkakatayo niya sa bintana.

Malakas ang hangin at isinasayaw nito ang may kahabaang buhok ni Juan Vicente. Ang ganda niyang titigan mula sa kinauupuan ko. At para bang hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya sa ganitong angulo.

May lahing Chinese si Yuan. Pero sabi niya kakarampot na lang daw nito ang dumadaloy sa kanyang ugat kaya hindi siya halatang may dugong Tsino. Ngunit naiiba si Juan Vicente. Litaw na litaw sa kanya ang pagiging Spanish.

"Marahil ay nagmula ka nga sa ibang bayan. Ngunit kailangan mong iwihin ang iyong sarili dahil ang pananalita't kilos mo ay makakapagpabalani ng mga tulisan," paalala niya. Tinititigan na naman niya ako na para bang 'di siya naniniwala sa akin. Sinasabi ng mga mata niya na susuway ako sa kanyang ibinibilin.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon