Reincarnation

8 1 0
                                    

I
Sa bawat pagpatak ng ulan
Na alala ko ang ating pag-iibigan
Bagama't isang alala ng nakaraan
Pangakong maghihintay at magmamahal sayo hanggang sa kasalukuyan.

II
Pinaghiwalay man ng tadhana
Kahit tayo'y hindi itinakda
Nais ko sana'y iyong ngiti ay masilayan
Bago tuluyang magpa-alam.

III
Paulit-ulit man ang mga pangyayari
Mamahalin ka parin hanggang sa huli
Ikaw parin ang nasa puso kahit lumipas man ang isang dekada
Nais kong makapiling ka  aking sinta.
IV
Mahal na mahal kita
Yan ang aking sasabihin sa susunod na ating pagkikita
Mag-iba man ang iyong hitsura at pangalan
Hahanapin kita at hindi na papakawalan.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon