I
Maswerte ako at nakilala kita
Ikaw ang nasasabihan ng mga problema
Nagsisilbing panyo at sandalan
Sana ay huwag mo akong iwan.II
Pero sa hindi inaasahang pangyayari
Ngiti sa mukha ng bawat isa'y biglang napawi
Bakit hindi mo tinupad ang yong pangako
Bakit sa ere ako ay iniwan mo?III
Matapos ang nangyari,ikaw ay nagbago
Pero pagmamahal sayo'y di parin naglalaho
Kahit umibig ka man ng iba at sakin ayaw mo na
Mamahalin parin kita sinta.IV
Sinubukan kong magmaka awa't habulin ka
Pero tuwing lalapit ako'y lumalayo ka
Ikaw parin ang nilalaman ng puso ko
Kahit sa iyo'y hindi na ako.V
Hindi ko parin maintindihan
Bakit kailangan mo pang umalis at ako'y iwanan
Hanggang ngayon ay umaasa parin sayo
Baka sakaling pwede pa nating ayusin ito.VI
Sana ay panaginip lang ang kaganapang ito
Bakit parang kay dali lang na iwan mo ako?
Sandali,mga hakbang ay ihinto
Bawiin ang sinabi't bumalik na sa piling ko.
