I
Hindi malaman kung tayo na nga ba
O pareho tayong umaasa na maaayos pa
Ang kwentong dati'y nagwakas na
Tayo nga ba'y pinaglalaruan ng tadhana?
II
Hindi ko na alam ang gagawin
Nakakapagod subalit pangako'y tutuparin
Saan nga ba ako lulugar
Kapag nagseselos sa mga dati mong minahal.
III
Lahat sila'y tinatanong ako
Kung nagkabalikan na nga ba tayo
Hindi alam ang sasabihin
Sapagkat kahit ako'y hindi alam kung kailan ka ulit magiging akin.
IV
Nais sanang itanong sayo
Bakit hindi mo magawang ibigay ang premyong hinihingi ko
Alam kong mas madami pang iba ang nababagay sayo
Pero sana ika'y manatili sa tabi ko.
V
Kahit minsa'y naiisip kong sumuko nalang
Itapon ang mga plano't baliwalain na lamang
Ngunit ginusto ko nga pala ito
Babybabe,sana'y masimulan na ulit ang ating kwento