Paaralan

4 1 1
                                    

I
Paaralan,ang lugar na kung saan
Tinuturo ang ating mga nalalaman
Mga kamag-aral at guro
Mga taong sa paglipas ng panaho'y mananatili sa'ting puso.

II
Ito ang lugar na tayo'y nagiging malaya't masaya
Lugar na kung saan nakakalimutan ang mga problema
Maraming mga iba't ibang taong nakakasalamuha
Mga aral sa buhay,dito natin nakukuha.

III
Ang inaakalang ligtas na lugar ay mali pala
Parang nasa impyerno bawat araw sa eskwela
Lumilipas ang mga araw ay para kang pinapatay
Isa itong dahilan kung bakit may mga estudyanteng ayaw ng mabuhay.

IV
Tukso dito,plastikan doon
Mas mabuti nalang umalis kung sana'y may pagkakataon
Araw araw na mararansan
Paghihirap na kailanma'y hindi inasam.

V
Ito ang buhay na nakikita
Sa lugar na hindi inaakala
Sa paaralang ating naging tahanan
Bangungot ay dito din pala mararanasan.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon