Kaibigan

0 0 0
                                    

I
Kaibigan,
saakin iyan ang turing mo
Pero pagtingin ko sayo'y higit pa dito
Ako ang panyo mo't takbuhan
Tuwing ika'y kanyang sinasaktan.

II
Napakahirap itago ang nararamdaman
Pilit pinipigilan upang 'di masira ang pagkakaibigan
Masakit na siya ang dahilan kung bakit ka masaya
Sana ako naman,hindi puro siya.

III
Bakit ba hindi nalang ako?
Ako na matagal ng umiibig sayo?
Kaya naman kitang mahalin at alagaan
Palaging nandito't ika'y hinding hindi sasaktan.

IV
Hindi ko alam kung talagang manhid ka
O binabaliwala mo lang dahil atensyon mo'y nasa kanya
Ilang awit na ba ang aking ginawa
Nilalaman nito'y pagmamahal sayo't pagmamakaawa.

V
Mga ngiti mo saki'y mahalaga
Pero iba pa din pala ang ngiti mo tuwing kasama mo siya
Mga luha'y palaging nakikita twing sinasaktan ka niya
Nandito naman ako,iniibig ka.

VI
At dahil hindi ko kayang makita kang nasasaktan
Ako'y gumawa ng paraan
Naging tulay upang kayo'y magkabalikan
Yan nalang ang magagawa ko dahil isa lamang akong hamak na kaibigan.

VII
Pero sa kabila ng mga nangyari
Masakit palang malaman na magiging kayo muli
Sobrang hirap na sa harap nyo'y maging masaya
Paano matutuwa kung ang taong mahal mo'y may mahal ng iba.

VIII
Hindi na kayang kimkimin
Pagmamahal sayo'y di na kayang ilihim
Kaya't napagpasyahan kong umamin
Na higit pa sa kaibigan ang aking pagtingin.

IX
Tinik sa dibdib ay parang nawala
Subalit kapalit nito'y pagkakaibigang lumaho na parang bula
Simula ng umamin,ika'y dumistansya
At napagtantong hindi ako magiging siya.

X
Kaya't ako'y nagpakalayo layo
Upang gumaling ang malalim na sugat na natamo
Laging tandaan na narito parin ako
Nasaktan ma'y patuloy paring magiging kaibigan mo.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon