Realidad

13 0 0
                                    

Bakit ba ganito ang mga tao
Nanghuhusga kahit di naman alam ang kwento
Bakit ganito ang kinagisnang mundo
Kailan ba matatapos ang kaguluhang ito?

Mga estudyantey imbis na sa pag-aaral ay maging masaya
Bawat araw ay dumarami ang mga problema
Kapag nagkamali sa wikang Ingles at gramatika
Ikaw ay bobo na sa paningin nila.

Sila'y pumapasok na lamang para pumasa
Maabot ang mga inaasahan ng iba
At kahit sila'y pagod na pagod na
Gagawin ang lahat makamit lang ang pangarap nila para sa kanya.

Karamihan na din sa mga tao ay mapanghusga
Sa katawan man o sa hitsura
Ito na ba ang mga batayan,
Para matanggap ang isang tao sa lipunan?

Payat,mataba,pandak,flat,maitim at iba pa
Ito na ba ang sinasabing maganda?
Bakit hindi nalang makontento sa kung anong meron ka
Mahalin ang sarili,tiyak ika'y magiging masaya

Bakit sa tuwing may nakikitang bakla sa daan
Sila'y palaging pinagtatawana't pinaglalaruan
Mga baklang palaging tinutukso,
Bakit nyo ito ginagawa,kayo pa ba'y may puso?

Ang mga katulad nila'y dapat nirerespeto
Lesbian,Gay,Bisexual at Transgender,sila parin ay tao
Ang pag diskrimina't pag husga ay itigil na
Dapat ay tanggapin at mahalin natin sila.

Kadalasan sa mga kabataan ngayon
Ay mayron ng anxiety at depresyon
Kinitil ang buhay upang sakit ay di na maramdaman
Makikita na lamang ang kanilang bangkay kinabukasan.

At ang mga tao'y nagtatanong sa kanilang sarili
Kung bakit hindi man lang sila nailigtas sa huli
Ang pagkakaroon ng depresyon at pagiging suicidal ay hindi biro
Kaya't imbis na pagtawana'y gabayan sila't bigyan ng dahilan upang huwag sumuko.

Ito ang realidad na ating nararanasan
Lalo na nga mga millennial o mga kabataan
Kompetisyon,selos at paghuhusga, sa puso sana ay alisin
Magmahalan at gumawa ng paraan upang maging tagumpay ang bawat isa saatin.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon