I
Bakit ganito ang nangyayari
Mga kaganapa'y di ko na mawari
Bakit tayo humantong sa ganito
Pasensya na't nagkakasakitan na naman tayo.II
Sa sobrang dami na ng ating pinagdaanan
Hanggang ngayo'y ito pa din ay humatong sa paghihiwalayan
Munting kasiyaha'y napalitan na naman
Kalungkutan at pighati ay ating muling naramdaman.III
Pilit na namang pinaglalayo ng tadhana
Di mapigilan ang pagtulo ng dugo't mga luha
Heto't muling nagmamaka awa
Wag mo kong iwan,hiling ko sa mga tala.IV
Nakakatakot sumugal ,oo
Dahil hindi natin alam kung ano ang kakahantungan ng ating kwento
Pero sana naman kamay ko'y hawakan mo
Sabay nating malalampasan ang pagsubok na ito.V
Pagsubok na kahit mundo man ang ating kalaban
Panalangin sa panginoon na ito'y ating malampasan
Pagsubok lang ito hindi ba?
Kaya natin ito,diba?VI
Ako'y nagkamali at ito'y inaamin ko
Nagkulang sa tiwala at nagduda sayo
Siguro nga hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo
Pero ginagawa ko ang lahat upang maging deserving para dito.VI
Kaya't pasensya na pagsuko'y di ko kayang tatanggapin
Parang awa mo na bumalik ka na sakin
At ang hamong ito ay magkasabay nating haharapin
Dahil balang araw alam kong tayo'y matatanggap din.