Pagtatapos

6 0 0
                                    

I
Madaming tanong ang nasa isipan
Wala na nga bang pag-asang magkabalikan?
Ano kaya ang mangyayari?
Kung pinilit kong lumaban hanggang sa huli.
II
Kung hindi ba ako sumuko ay hanggang ngayo'y tayo parin?
Ang mga salitang mahal kita kaya ay maririnig ko pa din?
Yung mga effort na ginagawa mo sa kanya
Mararanasan ko kaya iyon kung tayo pa?
III
Subalit hindi ko pala nakayanan
Ang iyong pagbabaliwala noo'y siyang naging dahilan
Sa pagkawasak ng puso hanggang sa kasalukuyan
Dahil wala na nga palang babalikan.
IV
Bakit ganon?ako naman yung nang iwan
Bakit hanggang ngayo'y nasasaktan
Samantalang ikaw ay may kasama nang iba
At masaya ka sa piling niya.
V
Dapat na nga sigurong tanggapin
Na hindi ka na muling magiging akin
Dahil ang kwento nating dalawa'y tapos na
At ito'y wala ng kasunod pa.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon