I
Nakakatawang isipin na Kuya na ang tawag ko sa iyo
Ngunit noon ay beb,babe,love at mahal ko
Tatahimik na lamang at ika'y pinagmamasdan
Dahil ang dating magka-ibigan ay nauwi sa magkaibigan.
II
Wala na ba talagang pag-asa
Nais ko ulit maranasan na maging masaya kasama ka
Ngunit may iba ka na nga pala
At ang dating tayo'y hindi na maibabalik pa.
III
Nakaka inggit yung effort na ginagawa mo sa kanya
Ni hindi ko man lang yun naranasan nung tayo pa
Kung hindi ba kita noon iniwan
Hindi ba ako ngayon magiging luhaan?
IV
Kuya,kuya heto parin ako
Umaasa na kahit papano'y mapansin mo
Namimiss na kita,sana nama'y kamustahin mo ako
Kahit na magkaibigan na lamang tayo.