En💞

9 1 0
                                    

I
Simula nang tinanong kita kung ano mo siya
Ako'y hindi na muling nagparamdam pa
Nais ko noong umiyak
Subalit ni isang luha'y walang pumatak.
II
Dahil dito'y maraming sugat na naman ang nagawa
Sa braso,sa may pulso at sa hita
Ngunit ang sakit ay  nanatili
Ni hindi man lang nabawasan ang pighati.
III
Sinabi nila bakit daw ako nasasaktan
Eh ako naman ang nang-iwan
Hindi ba pwedeng ako'y nagtatampo o kaya'y napagod lang?
Wala na ba talaga akong babalikan?
IV
Nang sumapit ang iyong kaarawan
Ang mga luha'y hindi na napigilan
Isang napakagandang surpresa ang aking nalaman
Surpresa na syang wumasak sa puso't isipan.
V
Ilang araw din bago napagpasyahan
Upang ika'y makita gumawa ng paraan
Pinangako sa sarili na ito na ang huli
At kung siniswerte nga nama'y nakita kang muli.
VI
Nang ika'y masilayan akala ko ok na
Pero bakit ganon hindi pa pala?
Kumaway ka at ngumiti,ito'y aking sinuklian
Subalit bakit ganon may sakit pa din akong nararamdaman?
VII
Napakarami kong nais sabihin sa iyo
Nais kong magpasalamat sa mga payong ibinigay mo
Marasaming salamat sa pagpapalakas ng loob ko
At sa konting panahon noong magkasama pa tayo.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon