Magbalik

5 0 0
                                    

I
Hindi alam ang nangyari't biglang nagbago
Bakit kahit di pa nasisimula'y nagwakas na ang ating kwento?
Ito din pala ang kinahantungan sa kabila ng ating mga pinagdaanan
Bakit ba kasi piniling wakasan ang ating pag-iibigan?

II
Madaming tanong saking isipan
Bakit ba bigla nalang nang-iwan?
Hindi bat nangako tayo't sabay na sinambit ang mga kataga
Magsasama sa huli,subalit lahat ng ito'y biglang nawala.

III
Ikaw ba'y nagsawa na?
O ang pag-ibig ay kulang pa ba?
Masaya kahit mahirap ang sitwasyon natin noon hindi ba?
Loveybabe,please bumalik ka na.

IV
Hindi ko parin matanggap
Nasira't nawasak ang mga pangarap
Ano ba dapat ang aking gawin
Upang ika'y makapiling muli't bumalik saakin.

V
Umaasang pangyayari'y hindi totoo at babalik ka pa
Kahit sinabing tama na
Hindi susuko't nandito pa rin
Kahit mag-isa,pangako'y tutuparin.

VI
At ang tulang ito'y iaalay sa iyo
Oras ng pagbabalik ay hihintayin ko
Kahit malabong maipagpatuloy pa ang ating kwento
Mamahalin ka parin hanggang dulo.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon