Hanggang Kailan (09-17-18)

1 0 0
                                    

I
Simula ng nagdesisyong sumuko't hindi na lumaban
Sa mapaghusgang mundo at sang katauhan
Kaya't twing ikaw ay aking naalala
Tanging pag-iyak nalang ang nagagawa.

II
Ngunit alam kong kahit ilang luha man ang tumulo
Kahit ilang beses saktan ang sarili hanggang sa pulso'y dumugo
Hindi na maibabalik ang dating tayo
Pero bakit hanggang ngayon ay naghihintay parin ako.

III
Umuwi't bumalik ka na
Hindi ko kayang sa piling ko'y wala ka
Hindi na kayang tumawa't ngumiti
Wala ng dahilan para maging matapang pang muli.

IV
Ngayon, ako'y nag-iisa
Wala ng rason para maging masaya
Dahil sa pag-alis mo'y siyang pagbalik ko sa kadiliman
Bumalik ka na't sagipin ako mula sa  kalungkutan.

V
Ilang araw,buwan at taon ba ang aking hihintayin
Sa oras na ika'y aking muling makapiling
Ikaw lamang ang dahilan
Kung bakit depresyon noo'y aking nalampasan.

VI
Nag aalala't natatakot ako
Na baka ngayong magkawalay na tayo
Ay baka ika'y mahulog at humanap ng iba
Na baka ako'y tuluyan mo ng iwan at makalimutan na.

VII
Kaya hanggang kailan ba ako magiging ganito
Nilalamon ng kalungkutan ang buo kong pagkatao
Kailan ba babalik ang happy pill ko
Hanggang kailan ba ako maghihintay sayo.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon