I
Mahal pa din kita
Kahit ang hirap na
Nandito pa din ako at umaasa
Na balang araw ay babalik ka.
II
Nagmumukha na akong tanga sa kakahintay
Sa oras,sa text at sa pagmamahal na halos di mo maibigay
Napakahirap mag-intindi pero ito'y aking kakayanin
Ano man ang mangyari,pangako ko'y aking tutuparin.
III
Ilang araw na ba ang nakalipas simula ng huli kang nagparamdam?
Ilang beses na din kitang sinubukang kalimutan
Subalit sa huli'y naghihintay pa din ako
At pinanghahawakan ang iyong mga pangako.
IV
Sa ngayo'y magpapahinga na muna
Hindi na muna ako magpaparamdam pa
Hihintayin ang araw na tayo'y muling magkikita
Ily.Paalam na.Pasamantala.