I
Love,simula ng tayo'y naghiwalay
Pinilit kong maging masaya ngunit ako'y di nagtagumpay
Dahil sa kabila ng mga pekeng tawa at ngiti
Ay naroon parin ang sakit,lungkot at pighati.II
Nakita kitang masaya
Walang bahid ng lungkot sa pagkawalay nating dalawa
Mga ngiti mong kay ganda
Mga ngiting dahil sa kanya.III
Ilang araw lang ba ang nakalipas?
Bakit kay dali naman makabawi sa kwento nating nawakas
Bakit parang hindi naman patas,
Ako nalang ba ang nakakaalala sa pagmamahalan nating lumipas?IV
Sobrang sakit na makita
Na ang taong mahal ko'y masaya na sa iba
Masaya na kayong dalawa
Pero hanggang ngayon ako parin ay nagdurusa.V
Ang sakit mula sa ating nakaraan
Ay dala ko parin hanggang sa kasalukayan
Lahat sila ay masaya para sa inyo
Lahat sila'y sinasabing maging masaya din ako para sayo.VI
Totoo namang masaya ako
Masaya na kahit papano'y dumating ang isang tao
Ang taong karapat dapat sayo
Ang taong mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal ko.VII
Siya na ang laman ng bio at mga posts mo
At siya na din ang nilalaman ng iyong puso
Siya na ang pumuno sa mga pagkukulang ko
Siya na ang mahal ng taong mahal ko.VIII
Sobrang ganda ng inyong litrato
Magkasama't naka heart sign pa ang mga kamay nyo
At ang paglubog ng araw ay makikita dito
Ang litratong siyang wumasak sa aking pusoIX
Sa pagmulat ng mata ito agad ang nakita
Hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha
Nakaka inggit,ako'y nagsiselos
Ngunit kwento na nga pala nati'y matagal ng tapos.X
Sobrang daming tanong ang nais masagot
Ngunit sa katotohanan,ako'y natatakot
Ako ba talaga'y minahal mo?