I
Maaari ba kitang makasama?
Kahit sandali nais kong makapiling ka
Kahit saang lupalop man ng mundo,
Basta kasama kita wayeen ko.II
Maaaring sa mundong ito di tayo ang para sa isat isa
Di nito mapipigilan ang aking nadarama
Kaya halina't sa realidad tayo ay tumakas
Papunta sa ating mundo, kung saan ikaw at ako ang wakas.III
Kamay ko'y iyong hawakan
Mapanghusgang mundo'y ating kalimutan
Pakiusap itakas mo ako sa realidad na ito
Kung saan walang hahadlang sa pagmamahalang nabuo.IV
Ngunit isang gabi'y naalala
Ang araw na siyang tumapos sa kwento nating dalawa
Mga luhang di napigilang pumatak
Dalawang pusong nasaktan at nawasak.V
Naaalala ko pa kung paano tayo nagdesisyon
Na tapusin at wakasan ang ating relasyon
Humihiling sa panginoon
Na sana tayo pa din sa tamang panahon.VI
Siguro sabi nila'y oras ng kalimutan kita
Ibaon sa limot ang alaala nating dalawa
Mga masasayang panahon na kasama kita
Ito'y imposible ng maibalik pa.VII
Ngunit may katanungan sa aking isipan
Hindi ko alam kung paano kita makakalimutan
Hindi ko alam kung paano ka papakawalan
Dahil hanggang ngayon puso't isip ko'y ikaw parin ang nilalaman.VIII
Paano ba makakalimot sa ating pagsasama
Sa twing nakikita mga bagay na mahal ko'y naaalala kita
Naaalala ang dating tayo
Ang dating merong ikaw at ako.IX
Kaya't pakiusap ako'y iyong itakas
Ikaw parin ang mahal kahit ilang araw na ang lumipas
Maari ba kitang muling makasama
At pumunta sa'ting mundo,sa mundong walang makakapaghiwalay saating dalawa.