I
Nakatingin sayong larawan,
Inaalala ang masayang pinagsamahan
Ang lungkot at sakit ay naramdaman
Kasabay ang pagkirot ng pusong sugatan.II
Pang ilang araw na ba
Simula ng nawala ka saking piling sinta
Pang ilang beses na nga ba
Ang puso't isip ko'y palagi kang naaalala.III
Naalala ang nakaraan
Ngunit hanggang backread nalang sa kasalukuyan
Habang ika'y pinagmamasdan
Na masaya kasama ang iyong bagong kasintahan.IV
Biglang sumagi sa aking isipan
Ang unang tagpo na di makakalimutan
Ang WAD na sabay nating dinaluhan
At ngayon,ito'y parte na lamang ng masayang nakaraan.V
Nakaraan kung saan ka unang nagtanong
Kung sino ang kumuha ng litrato mo't itoy aking tinugon
At hanggang ngayon di parin makalimo't makabangon
Ikaw parin ang mahal noon hanggang ngayon.VI
Heto ako't nakatulala
Habang pagtuloy ang pag agos ng mga luha
Inakalang naglaho na ang pagmamahal sayo
Ngunit 10 buwan na ikaw parin ang nilalaman ng puso.VII
At nung nakita kitang kasama mo siya
Di ko matanggap na kay bilis mo kong palitan sinta
Ang mundo ko'y biglang gumuho
Kasabay ng pagkawasak ng plano't pangako.VIII
Alam kong di tatagal ang ating relasyon
Pero bakit kay daling nabalin sa iba ang iyong atensyon
Hiling ko,sana ako'y huwag mong kalimutan
Mahal parin kita kahit ako'y nasasaktan.IX
Ok lang,kaya ko ito
Dahil alam kong darating ang panahong magkikita muli tayo
At papatunayan ko sayo
Makakalimutan din kita at ika'y magiging isang alaala na lang ng nakaraan ko.