I
Simula nang ako'y lumisan
Ika'y sinubukan kong kalimutan
Subalit madaya ang tadhana
Tayo'y muling nagkita.II
Nag-usap at nagkamustahan
Nais muling balikan ang nakaraan
Dalawang taong mahal pa din ang isat isa
Ngunit ang panahon ay hindi pa tama.III
Kaya't pansamantalang naghiwalay
Tinitiis ang panahong magkawalay
Bawat isa'y nangako
Mahirap man at walang kasiguradoha'y hindi susuko.IV
Maghihintay na lamang ako
Sa araw ng pagbabalik mo
Sa araw na magkakasama na muli tayo
Love,andito lang ako maghihintay sayo.