I
Kwento man nati'y nagwakas na
Ngunit pagmamahal sayo'y mananatili sinta
Kahit sobrang sakit at sobrang hirap na
Umaasa parin na magkakabalikan tayong dalawa.II
Dalawang pusong nasaktan
Sa mga taong siyang naging dahilan
Dahilan kung bakit nagwakas ang kwentong pinaghirapan
Ang kwento ng ating pagmamahalan.III
Di na nais magmahal pang muli
Dahil umaasang tayo pa din sa huli
Hinihiling na bumalik ang dahilan ng saya at ngiti sa araw araw
Hanggang ngayon puso'y pangalan mo parin ang sinisigaw.IV
Nakatingin sa malayo't malalim ang iniisip
Na sana ang lahat ng ito'y isang panaginip
Na sana'y sa muling paggising sa umaga
Sana tayo paring dalawa.V
Paano ba maka usad at maka bitaw
Laging laman ng puso't isip ay ikaw
Kaya kung di rin lang ikaw ang makakatuluyan
Ay di na muna magmamahal upang di na muling masaktan.