Panginoon

6 0 0
                                    

I
Nalugmok sa kalungkutan
Sa kadaliman ako'y iyong natagpuan
Naghihinagpis,nawawalan ng pag-asa sa pagkadapa
Ngunit dumating ka't pinunasan ang aking mga luha.

II
Niyakap mo ako ng mahigpit
At sinabing "anak papawiin ko lahat ng sakit"
Patuloy lang akong magtitiwala sa iyo
Sapagkat Panginoon alam kong mas makakabuti ang plano mo.

III
Maraming beses na kitang binigo
Nakagawa ng kasalanan at ako'y lumayo
Subalit ako'y pinatawad mo
Sa krus ,ako'y tinubos mo.

IV
Pagmamahal mo'y walang katapusan
Presensya mo'y palagi kong nararamdaman
Anumang unos ang dumating saakin
Mga takot,pag aalinlangan at pangamba'y alam kong iyong papawiin.

V
Maraming salamat Panginoon sa lahat lahat na biyaya at pagsubok na binigay mo
Pati na din sa walang katumbas na pagmamahal na naramdaman ko
Sa pamamagitan ng tulang ito,ipapakita ko sa mundo
Kung gaano ka kabuti Panginoon ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon