I
Dalawang taong kapwa nagmamahalan
Hindi kinakahiyang isigaw sa mundo ang pagmamahalan
Kahit na ang tadhana,tayo'y hinahadlangan
Bawat isa satin ay nais ipagpatuloy ang laban.II
Huwag pansinin ang sinasabi ng iba
Pangakong walang makakapaghiwalay satin sinta
Kahit alam nating sa huli'y di tayo para sa isat isa
Wag kang susuko at saba'y nating babaguhin ang tadhana.III
Nasa atin ang desisyon
Gawing tama ang pagkakataon
Isipin nalang na ako'y itinadhana sayo
At ika'y mananatili saking puso.IV
Alam nating hindi madali at ito'y mahirap
Ang mga hadlang at pagsubok na ating kinakaharap
Maaaring masaya tayo sa mundong saba'y nating ginawa
Subalit sa realidad ito'y walang kwenta at hindi tama.V
Paano nakakasigurong tayo'y para sa isat isa
Kung lahat ay pinipigilan ang pag-iibigan nating dalawa
Sinasabing pag-iibigan ay itigil na
Itapon ang mga pangako't kalimutan kita.VI
Utos ay di susundin,walang susuko dahil mahal na mahal kita
Hawak kamay na ipagpapatuloy ang kwentong nasimulan na
Love,halinat baguhin natin ang tadhana
Gawing tama
At isulat ang kwento natin sa mga tala.