Lagi na lamang nasasaktan
Lagi nalang nahihirapan
Kailan kaya ako sasaya
Nais ko lamang na makapiling ka.Sana hindi nalang kita nakilala
Sana hindi nalang umasa pa
Hanggang magkaibigan lang pala
Grabe,ang tanga ko talaga.Pero salamat dahil napabago mo ako
Salamat dahil kahit papano'y naging magkaibigan tayo
Nais ko sanang malaman mo
Binihag mo at sinaktan ang puso ko.Paalam na
Ito na ang huli
Hindi na muling magpapakita sayo
Upang hindi na masaktan ang puso.