I
Di ko alam kong paano ba sisimulan
Ang tulang hango sa ating pag-iibigan
Mga detalye'y di na halos maalala
Subalit sa tulang ito'y ibinuhos ang damdamin ko sayo sinta.II
Pag naaalala ang nakaraa'y palaging tumatawa
Lalo na sa parteng di pa tayo magkakilala
At tinanong mo ako kung sino ang kumuha sayo ng litrato
Di ko alam na doon na pala magsisimula ang ating kwento.III
Dumaan ang mga araw na tayo'y naging malapit sa isat-isa
Titibo tibo pa ang tukso mo sakin noon hindi ba?
Noong sinabi mong ako'y liligawan mo
Simula noo'y nabihag mo na ang puso ko.IV
January 11,2018 ng sinagot kita
Sa wakas ay tayo na
Sobrang dali man kung sabihin nila
Di naman nito mababago ang katotohang mahal na mahal kita.V
Subalit ka'y daling natapos ang kasiyahan
At ito'y pinalitan ng kalungkutan
Pasensya na't ika'y aking iniwan
Pasensya na't pinili kong tapusin ang ating pag-iibigan.VI
Simula noo'y pilit ka ng kinalimutan
Nagkaroon agad ng karelasyon at ito'y pinagsisihan
Pinanghawakan ang katagang iyong sinabi
Na "wag magpapaligaw kapag di ka pa nakakapag move on" dahil masasaktan lamang huli.VII
Nais kitang balikan
Nais sanang baguhin ang nakaraan
Subalit nahuli na ako
Sapagkat iba na ang nilalaman ng puso mo.IX
Sumapit ang iyong kaarawan
Mga luha'y hindi na napigilan
Napagpasyahang itigil na ang kakaasa
Dahil may mahal ka ng iba.X
Simula ng nawalan ng komunikasyon
Pilit ng itinigil ang kakaisip sa dating relasyon
Pero bakit hindi parin ako nakakapag move on
Kahit anong gawi'y naaalala parin ang masasayang panahon.XI
Di maipaliwanag ang nadarama
Ng muli'y naka usap kita
Sinabi mong na miss mo ako
Miss na miss na din kita wayeen ko.XII
Kaya heto ako
Maghihintay sa oras na pwede ng maging tayo
Pinanghahawakan ang iyong mga pangako
Na magsimula ng bagong kwento.
Mahal na mahal kita john warren pombo.