I
Simula ng makilala ka'y ako'y nagbago
Naging masaya at sayo umikot ang mundo ko
Dahil sayo natutunan kong mahalin ang musika
Minahal din ang naging inspirasyon sa pagkanta.II
Ikaw ang naging kalakasan
Sa twing susuko,ikaw ang naging sandalan
Sa pagtupad ng pangarap,nais kang makasama
At sa entablado'y sabay tayong kakanta.III
Sa tuwing ako'y kinakabahan,
Nawawalan ng pag-asa,ika'y laging nandyan
Sumusuporta't naka alalay saking likuran
Hahawakan ang aking kamay upang kaba'y mabawasan.IV
Matagal na din pala ang ating pagsasama
Subalit bakit parang nagbago ka?
Naghihinala na ngunit di binigyang pansin
Bakit ba bigla ka nalang umalis sakin?V
Noon ay masaya naman tayo
Ako ba'y nagkulang sa iyo?
Sobrang sakit na makita kang may kasamang iba
Nawalan ng espasyo sa puso mo pati na din sa banda.VI
Madaming nais itanong sayo
Bakit mo nagawang iwan ako?
Bakit ka ba naghanap ng kapalit?
Bakit ba hindi matanggal lahat ng sakit?VII
Dahil ba sakin siya'y mas maganda?
Dahil ba magaling siyang tumugtog ng piano't gitara?
Hindi ka na ba masaya saating pagsasama
Kaya ika'y humanap ng iba?VIII
Napapatanong sa sarili
Pagka-awa nalang ba ang naramdaman mo sa huli?
Paano ba makakabangon dito?
Kung mismong ang taong nagpapalakas saki'y iniwan na ako.IX
Gusto kong magmaka awa,
Sa kalungkutang ito'y hindi nakakawala
Nais kang yakapin
At magsumamong ika'y bumalik saakin.X
Sa paglipas ng ilang araw ay naging determinado
Na ipakita na ito nga pala ang sinayang mo
Subalit kahit pala ito'y hindi ko kayang gawin
Puro kahihiyan lang ang makikita mo saakin.XI
Kaya't nang tayong muling nagkita,
Napagpasyahang katangaha'y itigil na
Magmomove on nalang saiyo
Kahit na ikaw parin ang laman ng puso ko.