I
Sa mundong puno ng taong mapanghusga
Sa kadiliman,ako'y nalulunod at nag-iisa
Unti unting tinanggal ang aking maskara
Maskarang naka ngiti at masaya.II
Ilang taon na nga ba na ito'y aking suot
Lagi nitong tinatakpan ang sakit at lungkot
Pero ngayon pansamantala munang aalisin
Dahil sobrang sakit na sa damdamin.III
Sa mapanghusgang mundo,
Hiling na sana'y di nalang ako nabuhay dito
Sa bawat araw ay nahihirapan na ako
Sana'y mamamatay nalang at tuluyang maglaho.IV
Papel,tinta't patalim ang aking kakampi
Dahil walang nagtatatangkang manatili saaking tabi
Nakakapagod,palagi nalang mag-isa
Nakakapagod magpanggap na masaya.V
Mga peklat mula sa mga sugat na ginawa
Imbis na damayan,mga tao'y natutuwa
Bakit daw sobrang drama ko sa buhay
Sana ituloy ko nalang daw ang pagpapakamatay.VI
Nasan na ang mga kaibigan?
Bakit wala sila tuwing ako'y nangangailangan
Oo nga pala't hindi nila nakikita
Ang depresyong nakatago saking maskara.VII
Attention seeker,madrama,mahina
Ito ang paulit ulit kong naririnig na mga salita
Ngiti na lamang ang naisusukli
Upang ang sakit ay maikubli.VIII
"Mamatay ka na.Wala kang kwenta"
Palaging sinasambit ng mga boses na bumubulong saking tenga
Tama nga naman sila
Wala ng rason para lumaban at mabuhay pa.IX
Sa kadilimang ito'y alam kong di na makakabangon pa
Sugatan ang sarili't punasan ang mga luha
Oras na para magpanggap na masaya
Oras na para isuot muli ang aking maskara.