Akala (09-18-18)

1 0 0
                                    

I
Akala ko'y para tayo sa isat isa
Akala ko'y hanggang sa dulo tayo paring dalawa
Pero nang dumating ang oras na tayo'y nagkaproblema
Ang kwento nati'y natapos at nagwakas na.

II
Simula ng ika'y lumisan
Ako'y sobrang nasaktan
At ang mundo ko'y biglang nawalan ng kulay
Di na nais pang ipagpatuloy ang buhay.

III
Bakit ba nagkaganito
Bakit biglang kwento nati'y nagulo
Sana naman tayo'y lumaban
Sana bago umalis ito'y ating pinag-usapan.

IV
Sa pagtatapos ng ating kwento
Kasabay nito'y nawasak ang mga plano't pangako
Pangako na sabay nating binuo
Na habang buhay ay ikaw lang at ako.

V
At ngayon sa ating pagkawalay ay may hiling ako
Hiling na wag mong kalimutan na minsan sa buhay mo
Ay may isang taong mamahalin ka hanggang dulo
Hanggang sa muli,mahal ko.

Poems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon