I
Sa dami ng taong nakilala
Nagpapasalamat dahil nagtagpo ang landas nating dalawa
Sana tumagal ang pagmamahalang ito
Dahil ikaw na ang tinuturing kong tahanan at mundo.II
Saaki'y huwag ka sanang ilayo ng tadhana
Hawakan ang kamay ko't pagmasdan natin ang mga tala
Takot at pangamba ay alisin
Lumisan ka ma'y mananatili ako't nilalaman ng puso ay ikaw parinIII
Nais kong ipabatid sayo sinta
Simula ng dumating ka lahat ay nag iba
Ang dating mundo na madilim at walang kulay
Ay nagkaroon ng buhay at saysay.IV
Halina't tumakas sa realidad at limutin ang mundo
Kumapit ka't higpitan ang paghawak sa kamay ko
Upang hindi makawala at maligaw
Sinta,mundo'y magiging ikaw.