"Meron na nmang bagong ginawa si leevi na mapag-uusapan sa campus oh. Tsk! Tsk! "Ani ni George habang hawak ang cp at binabasa ang text ng mga kaibigan sa engineering.
"Oh? Anu na nman yun? "Ang wika ni Alex na napatutok ang tingin sa kapatid. Nasa mini sala sila ng 2nd floor sa bahay nila nanonood ng sports games.
"May hinalikan daw itong babae sa cafeteria kaninang hapon. Di ko alam bumalik pala ng school ang loko. Nauna kasi itong umalis sa site eh."Ang napapailing na wika ni George.
"Sino daw? "ang biglang singit ni Mike sa usapan ng dalawa. Naagaw na ang atensyon nito tungkol kay leevi. Campus figure ang kaibigan ng kapatid na si George na naging kaibigan na rin nila ni Alex kinalaunan. Kaya bawat galaw nito di nakakaligtas sa mga students ng university.
"Wait, Norman will send the pictures. Nakunan daw ng pictures ang paghalik nito sa babae. "Ani ng kapatid nila na Nakatutok ang mga mata sa phone nito.
Pawa silang excited sa bagong babaing nalink kay leevi.
Sabay silang tatlo na napatingin sa hawak na phone ng kapatid ng tumunog iyon.
Agad iyon binuksan ng kapatid ang bagong messages na dumating.
"Hmmm,payat ang girl...... wait may isa pang picture. "Anito na muling nagscroll up. Nakatalikod kasi ang girl sa unang picture.
"Heto na maputi na... what the.....!!! "Ang gitla nitong wika na napalakas ang boses na gamit ng matutukang mabuti ang pictures. DI na nito natapos ang sasabihin.
Napatayo at napalapit nman ang dalawang kapatid patungo sa kinauupuan nya. Sabay agaw ng phone sa kanya.
"Oh shit! It's Jean!!!! "Ang sabay na wika ni Alex at mike.
Napatakbo silang tatlo patungong third floor kung saan naroon ang room ng kapatid.
Nang dumating kasi ito sa parking lot di maipinta ang mukha. Walang kibong sumakay sa car pauwi. Pagkadating naman agad umakyat sa silid nito at di na muling lumabas gaya ng nakagawiang gawin nito.
Di lang nila pinansin kasi akala nila may tuyo na nman sa utak ang sister nila.
Pagkadating nila sa third floor halos magiba ang pintuan nito sa lakas ng mga katok nilang tatlo.
"Jean! Open this door! "Ang matigas na wika ni George sa pagitan ng mga katok nila.
"Jean! "Ang sabay nmang wika ni Alex at mike ng di pa rin binubuksan ng kapatid ang pintuan.
Halos mabingi nman sa lakas ng pagbayo at katok si Jean sa loob niyon. Kulang na lamang gibain ng mga kapatid ang pintuan ng silid.
Inis syang napatungo sa pintuan at marahas na binuksan iyon.
"What?! Halos makulilig ng mga tenga ko sa lakas ng mga katok at may kasama pang pagbayo ng aking pintuan! "Ang iritabling wika nya sa mga iyon.
Pawang nakatayo sa harapan ng pinto ang mga kapatid nya. Serious ang mga mukhang napatingin sa kanya ng pagbuksan nya iyon.
Bigla syang napatabi sa gilid ng door ng walang salitang pumasok ang mga iyon sa loob ng room.
"Close the door Jean. "Ani ni Alex.
"But why? Anu bang dahilan ng pagsugod nyo dito huh? "Ang nakakunot noong wika nya. Nagtataka sa pagpunta ng mga ito sa silid. Unang pagkakataong pumasok ang mga ito sa room.
"What happen in school today? "Ang malumanay but seryosong wika ni George.
"Nothing's special. "Kibit balikat nyang saad sa mga ito. Nakatayo sya sa harapan ng tatlo na naupo nman sa kama nya. Para bang jury ang mga iyon at sya ang ijudge on stage.
"Did someone do something humiliating?"ani nman ni Alex.
Napanganga sya sa mga ito. may nalalaman na ba ang mga ito sa nangyari sa cafeteria? Ani nya sa isipan.
"Pwede ba sabihin nyo na ng direkta ang ipinunta nyo dito?! "Ang yamot nyang turan. Para syang maiihi sa suspense na ginagawa sa kanya ng tatlong kapatid.
Nagkatinginan ang tatlong kapatid. nag-usap ang mga mata. Lalong nangunot ang noo nya. Nakataas ang mga kilay na nakatingin sa tatlo habang hinihintay ang mga itong magsalita .
"Is there any........ "ang umpisang wika ni George na di naituloy dahil parang rude sa pakiramadam nya iyon. Kaya si Alex na ang nagsalita.
"Anu itong halikan issue nyo ni leevi sa cafeteria Jean?!"ang walang ligoy na tanong ni Alex. Serious ang expression sa mukha ng kapatid.
Napanganga sya sa direktang tanong na iyon ni Alex.
"I...I don't know how to explain it. "Aniya na medyo nagstamer pa. napatingin sa mga mata ng tatlong lalaki.
"Make it simple. Or make it short. "Ani ni George.
Tinanggal nya muna ang bara sa lalamunan para kasing di nya maibuka ang bunganga ng oras na iyon.
"Remember the issue, yung girl na pumilipit ng kamay ni leevi? "Aniya ng pabitin na tinapos ni Alex.
"Ikaw yung girl?! "Ang di makapaniwalang wika ni Alex na nagpalaki ng mga mata ng dalawang kapatid.
Tumango tango sya bilang tugon. Iniiwas ang mga mata sa mga kapatid. Alam nyang nagulat ang mga ito sa natuklasan.
"And you let him kiss you?! "Ang nawikang tanong ni mike nman .
"Its not that I let him. He's so fast I... and I didn't know he would kiss me that quick! "Ang napapadyak nyang wika. do malaman ang sasabihin sa mga ito.
"Ok, what's his reason? "Ang mapanuring tanong ni George.
"He did it to......we're even! "Ang bigla nyang naidugtong sa sinabi nya.
"Whoa Jean! Baka lahat ng magawan mo ng atraso kiss ang hihingiin bilang amendment! "Ang palatak na wika ni Alex.
"Of course not! "Ang wika nyang inirapan si Alex.
"It's only a kiss brothers! It's not a big deal for me! So what if he did kiss me in public? "Aniya na ikinibit ang kanyang balikat.
Ayaw nyang magworry ang mga Ito sa kanya sakali man. Kaya itinago nya ang tunay na nararamdaman. kilala sya ng mga ito bilang palaban na jean at iyong di pusong babae.
"Are you really sure Jean? "Ang wika ni Mike di naniniwalang di sya naapektuhan ng paghalik na iyon ni leevi.
Tumango sya bilang tugon. iniiwas ang mata sa mga ito. takot syang mabasa ng mga iyon ang NASA kalooban nya.
"From now on,hatid-sundo na kita sa building nyo. "Ang pinal na wika ni Alex.
"But kuya alex di na ako bata para hatid sundo mo pa! "Protesta nyang wika rito.
"No buts Jean. We're just trying to protect our little sister! "Sang-ayun nmang wika ni George.
"Oo nga Jean. Lalo na kapag pinagtripan ka ni Cindy. Iyong crush ko na patay na patay kay leevi.! "Ang exaggerated na wika ni mIke.
Napatutok ang mata nya kay mike dahil sa sinabi nito. Sya pagdidiskitahan ng babaeng malaki ang gusto sa bruhong leevi na iyon?! No way! Baka kapwa nya iuntog ang mga iyon kapag ginulo sya. Ang itinatakbo ng isipan nya.
Di nya tuloy narinig ang wika ni Alex.
"Hoy princess Jean! "Untag ni Mike sa naglalakbay nyang diwa.
"Huh?! "Ang medyo nagulat nyang wika.
"Ok ka lang ba talaga Jean or gusto mong bigyan nmin ng leksyon si leevi.?! "Ang wika ni Alex.
"Tama! "Sang-ayon nman si mike sa sinabi ng kapatid.
"Am OK! Anu ba kayo? Kiss lang yun. Nailigo ko na kaya nawala ng laway nito! "Ani nya na nagbiro pa sa mga kapatid pero ni isa sa mga ito di nataw
"Am fine frankly speaking mga kuya. don't worry di ako affected! "Aniya na ngumiti sa mga ito. Kelangang nyang makumbinsing talagang di nya iyon dinibdib.
Nagpalitan lamang ng mga tingin ang tatlong kapatid . Di na muling nagsalita hanggang magkasundong lumabas ang mga iyon ng silid nya.
Napahugot sya ng malalim na buntong-hininga saka pabagsak na humiga sa malambot nyang kama.
Di nya alam kung anung idudulot ng isyung iyon sa mga kaklase nya. Alam nyang kakalat iyon di lamang sa engineering department kundi pati rin sa criminology course.
"Hayyy! Basta kelangan magpakatatag ako. Kelangan ipakita ko kay leevi at sa mga kapatid na di ako naapektuhan ng ginawa ng hudyong leevi na iyon. tapos!"ang wika nya na napabuga ng malakas sa hangin.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Chick-Lit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...